AC Bonifacio pasok sa Riverdale Season 5

BONGGA naman ang Pinay/Canadian teen dancer na si AC Bonifacio, huh!

Marami ang sumusubaybay sa Netflix Originals series na ‘Riverdale‘. Sa papalapit na pagdating ng kanilang ika-limang season, nag-upload ng show creator na si Roberto Aguirre-Sacasa sa kanyang social media accounts ng isang patikim sa nasabing palabas.

AC Bonifacio pasok sa Riverdale Season 5
AC Bonifacio in Riverdale

“2021 Goals. Buckle up, Gang,” simpleng caption ni Sacasa kalakip ang isang teaser kung saan may dance showdown ang bidang si Madelaine Petsch na gumaganap bilang Cheryl Blossom sa programa sa isang hindi rin magpapakabog na Asian teen cheerleader na ginagampanan ng ating AC Bonifacio.

Personal din na ibinahagi ni AC sa kanyang IG account ang magandang bungad ng 2021 sa kanyang karera.

“Here’s my page 1/365 submission :) Startin’ off the year right w/ a lil sneak peek to #Riverdale Season 5!”

Suportado si AC ng kanyang fellow Pinoy-Canadian Kapamilya friends na sina Darren Espanto at Kyle Echarri.

“I can’t believe it’s finally coming out,” sambit ni Daren.

“We proud of u,” Kyle commented sa “on set” IG post ng kaibigan.

“They don’t know what’s coming,” Darren teases.

Mukhang magagamit na naman natin ang ‘Pinoy Pride’ kapag talagang bumulaga na si AC Bonifacio sa Riverdale! Wala pang impormasyon tungkol sa character name ng dalaga sa programa at kung magiging kontrabidang pabida ba ito.

Noong 2020 ay trending ang mga dance covers ni AC ng mga K-Pop tunes tulad ng ‘How You Like That’ ng Blackpink at ‘Dynamite’ ng BTS. Congrats AC!