ABS-CBN shows at Kapamilya stars mapapanood na sa Zoe TV Channel 11

ADVERTISING
Leo Bukas

MAPAPANOOD NA sa Zoe TV Broadcasting Network simula sa Sabado, October 10, ang It’s Showtime ng ABS-CBN, at sa Linggo, October 11, ang ASAP Natin ‘To.

Ito ang resulta ng pagsasanib puwersa ng ABS-CBN at Zoe TV. Ang Zoe TV na isang free TV ay masasagap sa anumang TV antenna at mapapanood sa Channel 11. Masasagap din ito sa may mga TV Plus via channel 38-39.

ADVERTISING

Bukod sa Showtime at ASAP ay may ibang ABS-CBN shows na rin na mapapanood sa Channel 11 at channel 38-39 (sa TV Plus).

ABS-CBN shows at Kapamilya stars mapapanood na sa Zoe TV Channel 11

Ang Zoe TV ay television station na pag-aari ng Jesus Is Lord fellowship na pinamumunuan ni Bro. Eddie Villanueva.

ADVERTISING

Ito pala ang tinutukoy ni Vice Ganda sa Showtime na “Better days are coming” kasi nga nasa free TV na rin ang noontime programa nila.

Hindi naman mapigilan ng mga solid Kapamilya viewers na mag-rejoice sa magandang balitang ito. Ayon pa sa kanila, mula nung ipinasara ng Kongreso ang ABS-CBN ay hindi na sila nagbukas ng kanilang TV.

Samantala, wala pa kaming balita kung maging ang ibang teleserye na ginagawa ng ABS-CBN ay mapapanood na rin sa Channel 11.

 

ADVERTISING