ABS-CBN buo ang suporta kay Angel Locsin sa kabila ng community pantry incident

Leo Bukas

NANANATILING buo ang suporta ng ABS-CBN sa aktres na si Angel Locsin sa kabila ng pamba-bash sa kanya ng ilang netizens tungkol sa isinagawa niyang community pantry during her birthday na nagresulta sa pagkamatay ng isang balut vendor.

Naglabas din ang ABS-CBN ng official statement to show their support sa Kapamilya aktres.

ABS-CBN buo ang suporta kay Angel Locsin sa kabila ng community pantry incident
Angel Locsin

“ABS-CBN believes in the goodness of the heart of our Kapamilya Angel Locsin, who in her personal capacity has tirelessly helped our countrymen in times of crisis.

“We admire her commitment to continue serving the Filipino people with selfless dedication and love. We stand by her and thank her for being a shining example of generosity, accountability, and compassion,” laman ng kanilang inisyung statement.

Nakahanap din ng kakampi si Angel mula  kay Sec. Teddy Boy Locsin Jr. ng Department of Foreign Affairs. Ipinagtanggol nito si Angel sa kanyang post sa Twitter at  sinabing hindi dapat sisihin ang aktres sa nangyari. Wala rin daw siyang dapat ihingi ng tawad

“No forgiveness needed; at least she tried to feed them; one was so starved and weak she couldn’t feed him in time.

“Blame those who don’t do what she and others like her — like my friends from the very start of the pandemic — are trying to do: feed the hungry and not their egos,” tweet ng DFA secretary.

Sinaluduhan din ni Teddy Boy si Angel sa magagandang bagay na ginawa niya para matulungan ang mga kababayan sa panahon ng krisis.

“You meant well. Road to hell is not paved w/ good intentions; that’s the excuse of animals whose intentions are always bad but know the road to hell well because they came from there. But keep away from Filipino political advisers; they are born stupid. Same advice for my side,” lahad pa niya.