ABS-CBN at Viva, inireklamo ang Pinoy Parazzi sa Ad Board!

ADVERTISING

ABS-CBN at Viva, inireklamo ang Pinoy Parazzi sa Ad Board!ABS-CBN at Viva, inireklamo ang Pinoy Parazzi sa Ad Board!BLIND ITEM: NAGPADALA raw ng text message ang Kapamilya sexy actress sa kanyang ex na ham actor/politician.

“Hon.Gud pm. Nid ko sana ng cash sa business na bbksan ko. I know naman na d na tayo mag-on but for the sake of our relationship nun na umabot sa ibang level, baka pd mo naman ako help kahit P1M lang pls.”

Ito naman ang sagot ng kuripot na ham actor/politician.

“Wen we were stil together, I used to give you P250K a month kaya I assume na nakaipon ka.Try to ask help from ur other friends.I’m short din dahil nakatutok sa campaign ang funds ko ngayon, e.”

At kung tatanungin n’yo kung sino ‘yung Kapamilya sexy actress, try n’yo ulit basahin ang kanyang text message… getz?

ADVERTISING

NAGREKLAMO SA ADVERTISING Board of the Philippines ang Channel 2 executive na si Ms. Cory Vidanes at ang Viva Artist General Manager Veronique Corpuz against our tabloid dahil sa paglabas ng dalawang litrato: Ang nip-slip ni Anne Curtis at ang dukut-crotch ni Angelica Panganiban kay Derek Ramsay.

Nakalagay sa kanilang reklamo na nilabag daw ng publication ang rights nina Anne and Angelica.

We just want to take note na Anne and Angelica are both popular public figures at kahit na ano ang kanilang gawin, much more scandalous acts, are indeed worthy to be published, at ibinibigay lang namin ang gusto ng aming readers.

To add to this, Pinoy Parazzi is living up to the nature of our tabloid, and from the word paparazzi – meaning a photographer who pursues celebrities and public figures to take candid pictures for the newspapers. Kaya kudos na rin sa ating masisipag na kamerang-gala.

Bukod dito, may balitang naglabasan na P50K daw ang halaga ng binayaran ni Derek sa ating publication para kunin lahat ang mga litrato nilang dalawa ni Angelica.

Ang sabi pa, bayad din daw ‘yon para hindi na namin ilabas ulit ang mga litrato nilang dalawa sa Boracay on their private moments.

‘Sandamakmak na kasing kapatid sa panulat ang nagtatanong  tungkol sa isyung ‘yon at may nagsabi pang sa kampo raw mismo ni Derek nanggaling ang balita. Isang taga-TV5 din ang nag-inquire sa aming publication kung totoo ang tsismis na ‘yon.

For the record, wala pong bayaran na nangyari. Walang negotiation at walang nakikipag-usap na galing sa kampo ni Derek, period!

At kapag uminit pa ang ulo ng aming editor, malamang, ilabas pa namin ang ibang mga litrato nina Derek at Angelica sa Boracay, kung saan diumano’y lasing daw sa Tequila ang dalawa, hendehvah, brother Dani?

Derek, dare?!

HANDS DOWN. WALANG kumontra sa pag-recognize ng mga kapatid sa panulat sa Philippine Movie Press Club (PMPC) kay Direk Carlo J. Caparas bilang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera.

Sa Irwin Lee Theater, Ateneo on April 24 gaganapin ang Star Awards for Movies kung saan gagawaran si Direk Carlo ng isa sa pinakamataas na karangalan ng prestigious na PMPC group.

Why not? From being the top novelist at dibuhista sa mga komiks nu’ng dekada ‘70 ay nag-crossover siya successfully sa pelikula bilang direktor at manunulat. And from the big screen ay tumawid ulit si Direk sa telebisyon via his popular stories and characters sa kanyang mga nobela.

Wala rin sigurong kokontra kung sasabin naming lahat ng kanyang obra sa TV ay pawang naging top raters.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagre-retire ang ating National Artist dahil tuluy-tuloy pa rin ang Pangarap Kong Jackpot sa NBN-4 at Kroko sa IBC-13 na proyekto nilang dalawa ni Tita Donna Villa. At halos lahat ay nagsasabi na malaking tulong ang dalawang TV shows dahil maraming artista at kapatid sa industriya ang nabibigyan ng trabaho dahil du’n.

Again, congrats Direk for a well-deserved recognition and kitakits na lang po sa Ateneo on April 24, ukie?

For reactions, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING