Abra & Julie Anne San Jose: Sing and Rap for Love!

ADVERTISING

Julie-Anne-San-Jose-AbraABRA
Real Name: Raymond Mikael Camino Abracosa
Birthdate: December 2, 1990
Zodiac Sign: Sagittarius
Symbol: The Archer
Ruling Planet: Jupiter
Quality: Mutable
Element: Fire
Basic Trait: I Perceive
Closest Metal: Tin
Lucky Day: Thursday

JULIE ANNE SAN JOSE
Real Name: Julie Anne San Jose
Birth Date: May 17, 1994
Zodiac Sign: Taurus
Symbol: The Bull
Ruling Planet: Venus
Quality: Fixed
Element: Earth
Basic Trait: I Have
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday

ISANG BONGGANG collaboration ang pinag-uusapan ngayon ng Kapuso fans. For the first time ay nagsanib-puwersa ang Pinoy Rap Prince na si Abra at Kapuso Pop Princess na si Julie Anne San Jose ak.a. JAPS para sa kantang ‘Dedma’. Maliban sa brutal ang tema ng music video, pinag-uusapan din ng madla ang kanilang diumano’y namumuong pagtitinginan sa isa’t isa. Yihee!

Hindi man maganda ang kinahinatnan ng supposed blooming romance ni JAPS sa anak ng King of Pinoy Rap, mukhang may chance naman ito sa kasalukuyang prinsipe ng nasabing music genre. P’wede ba? 1-2-3 check it out, yo!

Kung gaano karami ang pagkakapareho sa ugali ng Sagittarius at Taurus, ganu’n din naman ang pagkakasalungat nito. Gustung-gusto ng Archer na makihalubilo at maki-party sa mga madlang pipol, habang ang Toro ay mas gustong tumambay sa bahay at magbasa na lamang ng libro o mag-Internet. Madaling mabo-bore ang Sagittarius sa relasyon habang madalas na mababagabag ang Taurus sa madalas na paglayas ng kasintahan.

ADVERTISING

Mabibigyan ng bonggang chance ang pagsasamang ito kung magkukusa ang magkabilang-panig na intindihin ang pangangailangan at interes ng isa’t isa. Kailangang magbigay ng space ang Taurus at kailangan din namang bawas-bawasan ng Sagittarius ang masyadong paglalabas. Ang pagiging ‘happy-go-lucky’ ng Saggitarius ay maaaring mabalanse ng mas praktikal na Taurus. Sa pamamagitan ng sistemang ito, maaaring tumagal ang relasyon ng dalawa. Understand your partner and don’t try to change them!

Initially, maaakit ang babaeng Toro sa pagiging outgoing ng lalaking Archer. Makikita niya kasi sa potential lover ang mga bagay na gusto niyang gawin, pero natural ang pagiging reserved ng kanyang karakter. Opposites attract nga, ‘di ba? Kalauna’y ang pagiging natural ng flirt ng Sagittarius ay magpapa-praning sa Taurus. Okay ang relasyong ito kung short-term ang pag-uusapan. Kung long-term ang pinapangarap, kailangan ng mega effort!

Like any type of collaboration, passion and dedication make things work. Kung sakali ay sana sa isang love rap song na relatable ang aawitin nina ABRA at JAPS. Wait namin ‘yan, huh!

Pares-Pares

By Madam Damin

Abra & Julie Anne San Jose: Sing and Rap for Love!

ADVERTISING