Abra at Julie Anne San Jose, may relasyon?

Abra at Julie Anne San Jose, may relasyon?

Julie-Ann-San-Jose-AbraINILI-LINK SA isa’t isa sina Julie Anne San Jose at ang sumisikat na rapper ngayon na si Abra dahil sa madalas nilang pagsasama sa Sunday show ng GMA 7. Pero ikinatawa lang ito ng singer/ TV host nang makarating sa kanya ang isyu.

“Friends lang po kami ni Abra. Maganda kasi ‘yung nagiging collaboration lalo na when we perform together,” bungad ni Julie Anne.

“Wala naman dapat na mangyaring pag-link kasi work po ‘to. Okey ‘yung friendship namin ni Abra. We’re friends in the workplace. Hindi naman kami ‘yung friends na nagkikita parati. Hanggang sa trabaho lang po,” say pa ng singer/TV host.

Nai-record na nga nila ang song collaboration na Dedma. Magkasama rin sila sa movie ni Dingdong Dantes na Kubot na entry sa Metro Manila Film Festival.

Isa sa special guest si Abra sa big concert ni Julie Anne na Hologram na gaganapin sa Mall of Asia Arena on December 13. Guest din sina Ms. Regine Velasquez, Sam Concepcion at Christian Bautista.

Pero ngayon pa lang ay kinakabahan na raw si Julie Anne sa paparating na big concert.

“May pressured po talaga. Hindi po maiiwasan ‘yung pressure dahil na rin po kasi sa laki ng venue. Masyadong malaki po siya. And it’s gonna be bigger than the previous ones. Kaya we’re really preparing for it. Nakakakaba talaga, pero kakayanin po natin lahat.”

Nangako rin si Julie Anne na marami siyang ipakikita sa kanyang concert na ngayon pa lang daw niya gagawin.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo