ABOT LANGIT: Maris Racal inamin na ‘masaya’ sa piling ni Rico Blanco

SA WAKAS ay sinagot na ni Maris Racal ang matagal nang bumabagabag sa mga netizens: Sila na ba ng Pinoy Rock Icon na si Rico Blanco?

Nag-umpisa ang pagli-link sa dalawa nang batiin ni Maris si Rico via social media noong Marso. Marami ang kinilig dahil tila ‘no words needed’ para maipakita sa kanilang followers na there’s something going on between the two. Hindi lang ito basta collaboration for a song: They’re making beautiful music together.

ABOT LANGIT: Maris Racal inamin na 'masaya' sa piling ni Rico Blanco
Rico Blanco and Maris Racal

Tila na-caught off guard ang dalaga sa digital press conference para sa upcoming Father’s Day guesting nito sa drama anthology show na Maalaala Mo Kaya.

“Masaya naman po. Nahihiya lang po ako sa mga kasama ko,” sambit ni Maris nang biglang tanungin ito tungkol sa kanyang love life habang ongoing ang MMK presscon.

“Kami po ni Rico. I think basing po sa post na ginawa ko po, I think it’s very obvious. Right now, we are very excited and busy din. We are preparing such beautiful music together. Kaya abangan nila ‘yon soon.” may pag-aalinlangan na sagot ng aktres.

Dahil si Rico Blanco ay 49 years old na at nasa marrying age o settling down phase na ng kanyang buhay, natanong din si Maris kung willing na ito na malagay sa tahimik at mag-umpisa ng sariling pamilya.

“I guess for a 23 year old lady, of course, marami pa akong hinahanap sa buhay ko. Palagi ko naman hinahanap ang satisfaction.”

Hindi na rin napigilan ng ibang taga-press na magtanong pa tungkol sa Rico-Maris connection lalo pa’t hindi rin biro ang kanilang age gap.

“I think sa ganyan po, it just comes naturally. Wala pong study, walang perfect formula for it, but if you get each other, automatic na yung connection.. yung attraction. Whatever you call that.”

Nag-umpisa ang koneksyon ni Maris Racal kay Rico Blanco noong 2018. Naghahanap noon ng makaka-collaborate ang ex-PBB graduate para sa kanyang music career. Ti-nag ng mga fans si Rico Blanco, na noong panahon na iyon ay may mga naka-collaborate na rin na younger singers. Noong 2019 ay inilabas ni Maris ang ‘Abot Langit’ kung saan isa si Rico sa mga tumulong sa dalaga para makalikha ng magandang kanta.

What can we say? Congratulations, Rico and Maris! More love songs from you two, yes?