Aaron Yanga, biggest showbiz break ang pagkakasali sa serye nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

Aaron Yanga, biggest showbiz break ang pagkakasali sa serye nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

Aaron-YangaHINDI KAMI maramot sa espasyo sa kolumn namin basta alam namin na ang bibigyan namin ng pagkakataon ay puwede namang mag-showbiz para patunayan ang kanyang talento sa pag-arte.

Siya si Aaron Yanga, tubong Angeles City, Pampanga na nagtatangkang makilala sa bagong teleseryeng My Faithful Husband ng GMA na magsisimula na sa Monday, August 10, na bida sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Sa serye, he plays brother of Dennis na asawa ni Jade Lopez. Mga anak sila ni Snooky Serna sa serye.

Aaron started his “showbiz” career as a runway model and a TVC model. Model na model ang tindig niya and he stands 5’11.

Bago niya nakuha ang role sa MFH and his biggest break so far, gusto niyang maging isang action star tulad ng idol niyang si Robin Padilla.

Pangako ni Aaron sa sarili na pag-iigihin niya ang kanyang trabaho. “Ine-expect ko po sa pagpasok ko sa showbiz na sana magbunga ng maganda ‘yung pagpupursigi ko. Tsaka po sana, maganda ‘yung kalabasan ng ginagawa kong role ngayon sa ‘My faithful Husband’. First serye ko po kasi ito, kaya may kaba pa ko.”

Isa sa mga pangarap ni Aaron ay makasama si Vilma Santos sa isang proyekto. “Si Dennis na idol ko, nakaeksena ko na saMFH,” pagmamalaki ni Aaron.

 

Reyted K
By RK VillaCorta