Eugene Domingo, muntik matusok sa mata – Tita Swarding

ADVERTISING

Eugene Domingo, muntik matusok sa mata – Tita SwardingEugene Domingo, muntik matusok sa mata – Tita SwardingOLACHIKKA. MARAMI ANG nag-text at tumawag sa akin tungkol sa naisulat ko dito sa Pinoy Parazzi nu’ng isang araw tungkol sa yaman ni Willie Revillame.

Marami ang nakapag-isip lalo na ang ilang mga kaibigan ko in and out showbiz at ‘yung iba ay nag-email nalang sa akin. Pero sorry na lang at hindi ko mababasa ang lahat ng message at sobrang dami talaga. ‘Yung iba ay nagbigay ng pahayag at nagtataka rin kung bakit nga ganu’n na lang kabiglang yaman ang isang mayabang na TV  host. Talbog pa ang yaman ng ilang artista at pati na rin siguro ang Pambansang Kamao ay tatalbugan niya. Ha! Ha! Ha! Ang ilan ay may mga hacienda pa at marami ang show sa telebisyon at tambak ang mga commercialat at may mga negosyo pa, tapos biglang ganu’n nalang siya kayaman? Pati ba naman ang bahay ng isang Gabby Lopez ay nabili na rin ni Willie? Ayan at naitsika sa akin ng friend ko na mismong nasa loob ng ABS-CBN compound nagtatrabaho na nagpapatayo pa ng isang building sa tapat ng ABS-CBN na may pangalang Will Theater bukod sa bahay niya sa Tagaytay at mga mamahaling sasakyan at ang mga yate. Kaya marami ang nag-iisip kung bakit ganu’n na nga lang ka-biglang yaman ang isang Willie Revillame. Diumano, nakapangalan sa kanya ang yaman at mga ari-arian ng isang pulitiko. Tsika ng friend ko,”kung noon, tita, ay parang basang sisiw na humihingi ng tawad si Willie sa publiko nang matangal ito sa noontime show nila noon pati mga kasamahan niya sa show ay nadamay, eh, bakit nu’ng may noontime show siya noon ay hindi siya ganu’n kayaman? Ngayon lang na bago lang ang Wowowee ay bigla siyang yumaman ng bongang-bonga. Pero ngayon ay sobrang angas na ito kung umasta mula nang mabangit ng hitod na ito na wala raw siyang kinatatakutan.” Nakakaloka, ha! Pati sa Maykapal ay hindi siya takot! Hoy, maghunos-dili ka nga!

Kinikilabutan ako sa ‘yo. Kaya ganu’n na lang kung magbayad ng mga tao upang mag-rally sa labas ng Wowowee at mag bitbit ng placard at magsisigaw diyan sa labas ng Dos ay dahil ayaw nilang makalimutan ng tao ang hitad na TV host upang maikampanya pa nito ang asawa ng manager nitong pulitko.

Dagdag ng aking Parazzi Girl na sinundan pa si Willie Revillame sa Davao. “Totoo na marami ang mga tao, pero, tita Swarding, hindi naman umabot sa 100,000 ang tao na dumating. Sobra na po iyon dahil hindi naman ganu’n kalaki ang buong football field at malapit pa ito sa Davao River. Kung umabot sa 100,000 pataas siguro nasa ilog na lahat sa agro ecoland yun, tita Swarding, naganap. Ha! Ha! Ha! Nakakaloka, ha! Hmmm…’Yun na!

NATUTUWA AKO AT nagkausap kami ng friend kong direktor na si Bb. Joyce Bernal at pati na rin ang bida ng Kimmy Dora na si Eugene Domingo. Halakhakan ang aming kwentuhan ni Eugene kahit sa telepono lang dahil busy rin ang magaling na komedyana sa pagpo-promote ng Kimmy Dora sa Cebu nu’ng isang araw. Habang kausap ko si Eugene ay naglalagay pala ito ng kanyang pilik-mata upang gumanda at muntik nang matusok ang kanyang mata.Ha! Ha! Ha!

ADVERTISING

Sa premiere night ng Kimmy Dora ay inimbitahan ako nina direk Joyce Bernal at Eugene sa SM Megamall cinema 10 ngayong Sep 2. Ayon nga sa magaling na derektor, aabangan ito ng lahat kung paano lalamutakin ng bibig ni Eugene ang kanyang leading man na si Dingdong Dantes dahil napaka- torrid daw ng kissing scene ng dalawa. Nakakaloka, ha! Hindi nagpaawat si Eugene pagdating sa halikan at marami raw ang pakulo sa premiere night ng Kimmy Dora na produce pala ito ng papa ng bayan na si Piolo Pascual at ng magandang direktor na si Bb.Joyce Bernal. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING