Ayaw tigilan si Jodi Sta. Maria
Iwa Moto, sobrang papansin!

ADVERTISING

<i>Ayaw tigilan si Jodi Sta. Maria</i><br> Iwa Moto, sobrang papansin!

<i>Ayaw tigilan si Jodi Sta. Maria</i><br> Iwa Moto, sobrang papansin!HINDI KO maintindihan itong si Iwa Moto kung nagpapansin lang o hindi pa rin nakapag-move on sa hiwalayan nila ni Mickey Ablan.

Ayaw pa ring tumigil sa kadadakdak at tinitira si Jodi Sta. Maria, samantalang tahimik lang naman ang huli.

Nagsalita na naman kasi ulit, at inamin na niya sa publiko na totoong nagpakasal sila ni Mickey nu’ng October 19, 2009 sa Silang, Cavite.

Kaya raw niya inamin na sa publiko dahil sa payo na rin ng ka-relasyon niya ngayon na si Pampi Lacson para malaya na raw siya sa lahat at wala na siyang tinatago.

ADVERTISING

Ang sabi naman nitong Iwa, kaya raw niya ibinunyag para malinaw lang daw na hindi siya ang kumabit kundi siya raw ang inagawan ng asawa.

Patama na naman niya ito kay Jodi Sta. Maria dahil siya pa raw ang pinagbibintangang kabit samantalang malinaw naman daw na nakarelasyon niya si Pampi, matagal nang hiwalay ito kay Jodi.

Eh, ano naman?! Matagal nang alam ng lahat ‘yun, ah!

Narinig ba nating nagsalita si Jodi at pinagbintangan siyang nang-agaw ng may asawa?

Ang dami nang sinabi ng babaeng ito, wala naman tayong naririnig kay Jodi, ah!

Nu’ng nakaraang Sabado nga sa birthday event ni Andeng Bautista-Ynares sa Ynares Center, inabangan ng mga TV crew si Jodi na dumalo roon, pero hindi talaga ito sumagot. Ayaw niyang magbigay ng kahit isang linya dahil ayaw niya talagang patulan. Bakit nagpuputak pa rin itong Iwa?

Nu’ng nagsalita ito tungkol sa kasal nila ni Mickey, kaagad na tinawagan ito ng Startalk para hingan ng reaksyon.

Sabi niya, magsasalita naman daw siya pero nagtataka pa siya kung bakit kaila-ngan pa nitong magsalita.

Pero itinatanggi naman ni Mickey na naging sila ni Jodi.

Ang ikinagulat pa ni Mickey, si-nabi ni Iwa na nabuntis daw siya noon nu’ng magkasama pa silang dalawa. Kaya lang nakunan daw siya dahil sa lagi nilang pag-aaway ni Mickey dahil kay Jodi.

Hindi raw totoo ‘yun, at nagtataka siya kung bakit gumagawa pa raw si Iwa ng ganu’ng kuwento.

Hay, naku! Hindi ko alam kung alin ang totoo sa mga sinasabi nitong Iwa.

Kahit ano pa’ng mga sasabihin nito ngayon, dedma talaga si Jodi at hindi raw niya ito papatulan.

Alam ko, magsasalita si Mickey sa Startalk para linawin ito lahat. Kaya tiyak na hindi pa rin titigil sa pagsasalita itong Iwa.

 

MAGKASABAY NAMAN na nag-guest sina Jillian Ward at Ryza Mae Dizon sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, para patunayan na walang intriga sa kanilang dalawa.

Ano ba ‘yan?! Ang babata pa nila para intrigahin. Hit na hit kasi ngayon si Ryza Mae dahil sa Eat Bulaga, kaya naiintrigang nai-insecure daw si Jillian.

Napagdaanan naman ni Jillian ang kasikatang ‘yun, kaya hindi na siya kailangang ma-insecure, ‘no!

Mabait pa nga siya kay Ryza at gusto nga niyang regaluhan ng aso. Kaya lang ayaw ng bagets dahil takot daw siya sa aso.

Kapansin-pansin kasing mas lamang si Ryza Mae sa exposure kesa kay Jillian.

Nu’ng nakaraaang Agimat at si Enteng nila ay si Jillian naman ang bida, at parang guesting lang siya rito.

Malaking bagay nga ang partisipasyong ng dalawang batang ito sa pelikula dahil pambata at pampamilya naman talaga ang pelikula nila ngayong pang-MMFF na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING