7 Celebrity Marriage Proposals

Dingdong Dantes & Marian Rivera

Dingdong-Dantes-Marian-Rivera

 “ROYAL ENGAGEMENT” kung bansagan ang kina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Nauna nang inaya ni Dingdong ang kanyang real life lovetem na si Marian na magpakasal noong Agosto 2012 pa sa Macau. Sa isang dome na filled with butterflies at sa kantang Kahit Maputi na ang Buhok ko, nangako ang dalawa sa isa’t isa ng isang “forever”. Ang pangalawa namang proposal ng tinaguriang Royal Couple ng GMA 7 ay nangyari noong kaarawan ng bride-to-be sa kanyang dance show na Marian. Intriga naman ng ilan, ginawa lang daw nila ito sa show para bumenta ito. Nakatakda namang mag-isang dibdib ang dalawa sa Disyembre 30 ngayong taon.

Sen. Chiz Escudero & Heart Evangelista

Chiz-Escudero-Heart-Evangelista SA KABILA ng mga intriga at alitan sa pagitan nina Sen. Chiz Escudero at mga magulang ni Heart Evangelista, sa wakas ay ibinigay na ng mga magulang ng bride-to-be ang blessing nila para sa kasal ng dalawa kahit na wala silang balak pumunta sa kasal ng anak. Noong Agosto 21, nagtungong Sorsogon ang dalawa kasama ng ilang miyembro ng pamilya at ilang kaibigan upang magbakasyon lang at sulitin ang long weekend. Ang hindi alam ni Heart, unti-unti nang nagdatingan din sa lugar ang kanyang mga kaibigan at ilang kamag-anak at nang dumating ang oras para mag-dinner, doon na hiningi ng senador ang kamay ng aktres at sinagot naman niya ito kasabay ng fireworks display. Nakatakda namang ikasal ang dalawa sa susunod na taon sa araw mismo ng kaarawan ng aktres.

John Prats & Isabel Oli

John-Prats-Isabel-Oli MARAMING KINILIG at napaiyak sa talaga namang pinaghandaang wedding proposal ni John Prats kay Isabel Oli noong Setyembre 24. Akala ng aktres ay isang dinner lang ang magaganap dahil kaarawan ng mommy ni John, pero nagulat na lang ito nang magsimulang sumayaw ang mga tao sa isang flash mob. Nang lumabas si John kasama ang flash mob, bumuhos na ang luha ni Isabel nang yayain na siya ng binata na magpakasal, na sinabayan naman ng fireworks. Nakatakda naman ang kanilang kasal sa susunod na taon.

JC Intal & Bianca Gonzales

JC-Intal-Bianca-Gonzales WALA MANG gimik na inihanda pero agaw-eksena naman nang sa NAIA inaya ng kasal ng baskebolistang si JC Intal ang girlfriend na si Bianca Gonzales. Tatlong taon na umanong nasa relasyon ang dalawa at plano na nilang magpakasal sa susunod na taon.

Yan Asuncion & Yeng Constantino

Yeng-Constantino -Yan-Asuncion NOONG 2012 nakilala ni Yeng Constantino ang boyfriend niyang si Yan Asuncion sa kanilang church sa Victory Christian Fellowship. Tagapamahala ng Music Ministry si Yan dito. Nauna nang binasted ni Yeng si Yan, pero noong Enero ng taong ito sa wakas ay naging sila na kaya naman nitong Marso 8, pagkatapos na manood ng isang play ang dalawa ang dalawa, kasama sina Sam Milby at Eugene Domingo, dinala ni Yan si Yeng sa isang open field sa The Fort kung saan sila unang nag-date at dito na nga niya inayang magpakasal ang kasintahan. Walong buwan pa lang nagdi-date ang dalawa pero alam na ni Yan na si Yeng na ang kanyang “The One”.

Chito Miranda and Neri Naig

Chito-Miranda-Neri-Naig MUSIC VIDEO turned proposal naman ang naganap sa proposal ni Chito Miranda kay Neri Naig. Inintriga man nang lumabas ang kanilang sex video, napanindigan naman ng frontman ng Parokya ni Edgar ang Star Circle Finalist na si Neri. Taping lang umano ng music video ang nagaganap na alam ni Neri, pero nang lumabas na ang isang video na inihanda ni Chito, dito na nagtaka ang dalaga at lalo pang umiyak ito nang lumabas na ang kanyang nobyo at ayain siyang magpakasal.

Aiza Seguerra and Liza Diño

Aiza-Seguerra-Liza-Dino MATAPOS ANG kanilang isang taong anibersaryo noong Enero 8, inaya nang magpakasal ni Aiza Seguerra ang girlfriend na si Liza Diño. Nangyari ang wedding proposal noong Pebrero 7 sa gitna ng pagtatanghal nila ni Liza sa play na Kung Paano Maghiwalay sa Teatro Hermogenes Ylagan ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City. Wala umanong kamalay-malay si Liza na sa gitna ng kanyang performance ay magpo-propose ang kanyang partner at inakala pa raw talaga ni Liza na isang play ang kanilang ginagawa. Sa gitna ng kanyang pagtatanghal, bigla raw nagtalumpati si Aiza ng kanyang marriage proposal at kaagad naman siyang sinagot ni Liza ng “yes”. Nakatakda namang ikasal ang dalawa sa kanilang ikalawang anibersaryo sa susunod na taon.

Text By Erryell Valmonte

Photos by Fernan Sucalit and Parazz WIres