6IX Degrees, ‘di papahuli sa mga datihang boy band

6IX Degrees, 'di papahuli sa mga datihang boy band

6IX Degrees
6IX Degrees

May bagong boy band na pihadong magpapakilig sa mga kababaihan sa darating na May 28, 4 p.m. sa Starmall Las Piñas para sa P-Pop Boy Groups on Tour at ito ang grupong 6IX Degrees na kinabibilangan nina Kennet Aquino – 16 years old, Paolo Apo – 16, Genesis Sison – 15, Lance Serrano – 15, Mark Cunanan – 14, at Melchizidek Cajucom – 15.
Dream come true raw para sa 6IX Degrees ang makasama ang ilang sikat na boy groups sa bansa. Kaya naman daw grabeng paghahanda ang kanilang ginagawa para makasabay sa mga dati nang boy groups.
At kahit nga raw bata pa ang mga miyembro ng 6IX Degrees, ipakikita raw nila ang kanilang husay sa pagkanta at pagsayaw.
Nagpapasalamat nga raw ang grupo sa kanilang loyal supporters at sa kanilang photographer na si Gary Joran Mayoralgo.

John’s Point
by John Fontanilla