Kris Lawrence, todo-kayod para sa baby nila ni Katrina Halili at sa kasal!

ADVERTISING

Kris Lawrence, todo-kayod para sa baby nila ni Katrina Halili at sa kasal!

Kris Lawrence, todo-kayod para sa baby nila ni Katrina Halili at sa kasal!“ACTUALLY NOW, palang we’re preparing na. I already open an accout for our baby. ‘Yung pang-delivery ng baby, nandiyan na.Then ‘yung crib na gagamitin niya, nabili ko na, tsaka naipamili ko na rin siya sa bench kamakailan. Sa ngayon, ang inaantay na lang namin ni Kat (Katrina Halili ) ay ang pagdating niya,” tuluy-tuloy na sabi ni Kris Lawrence sa Pinoy Parazzi.

Ayon kay Kris, Melody ang ipapangalan nila sa bata kapag ito ay babae at Lyric naman kung magiging lalaki. “So far, ang gusto ko talaga ay lalaki para may magdadala ng pangalan ko, but if not mahal ko pa rin siyempre si Melody.”

Sa ngayon ay dobleng kayod daw ang ginagawa ni Kris. Lahat ng mga raket na kaya niya ay go lang daw siya ng go. “So far, lahat ng mga ginagawa ko is for my baby. Siya ang inspirasyon ko and of course si Kat.”

Sa pagkukuwento pa rin ni Kris, maging ang magulang daw niya ay super excited na sa kanilang magiging apo. “Lagi nilang kinukumusta si Kat at ‘yung baby, kasi gustung-gusto na nila talagang magkaapo.”

ADVERTISING

Isang simpleng kasal lang daw ang gustong ibigay ni Kris kay Katrina. At ito ay dadaluhan ng kanilang mga kaibigan.

 

IBA’T IBANG smear campaign ang ibinabato kay Derek Ramsay matapos na ito ay lumapit sa TV5. Una na nga rito ay sinasabing wala siyang utang na loob, bukod pa ssa sinasabing malalaos siya sa Singko.

“Everybody is entitled to say their opinion. Kung iyon ang opinion nila, wala tayong magagawa riyan. Basta ito ang desisyon ko, at masaya ako sa aking ginawa,” pahayag ni Derek na nagsabi pa rin sa Pinoy Parazzi na excited na siya sa programang gagawin sa bakuran ni Manny V. Pangilinan.

Ang Amazing Race ang gagawin ni Derek at gagawin ito in whole Asia. “Hindi ko pa alam kung ano ang plano ng TV5, pero siyempre, excited ako sa project na ito dahil eversince, gusto ko na talaga ang mga ganitong show.”

Ayon sa isang kaibigan ni Derek, hindi raw masisisi ng Dos ang actor kung lumipat ito sa TV5, dahil matagal na raw hinihiling ni Derek sa nasabing TV network na bigyan siya ng sports program. “Alam naman ng lahat na mahilig talaga ako sa sport and I think ito ang bagay sa akin talaga. Actually masaya rin ako sa acting, pero mas gusto ko talaga ‘yung nae-exercise ang katawan ko.”

Sa pag-alis ni Derek sa Dos, tiyak na magbubunyi ang ilang detractors ng aktor dahil ang kani-kanilang alaga sa nasabing TV network ay lalong magkaka-raket. “Actually, dapat noon pa nabigyan si Derek ng sports show, kaya lang dahil sa isang baklitang taga-Dos, na ang gusto niya ay ang alaga lang niya ang mamayagpag, panay paninira ang ginawa kay Derek. Ngayon, masaya na siya?” Sabi pa ng aming source.

Tulad ng naipanga-ko ni Derek, hindi siya gagawa ng soap opera sa TV5 at hindi rin siya magto-talkshow. “Ito lang ang gagawin ko. ‘Yung programang Amazing Race lang. Dahil ito lang naman talaga ang gusto kong gawin,” sabi pa uli ng binata.

Samantala, ipinagkibit-balikat lang ni Derek ang isyung sinusulsulan niya si Angelica Pa-nganiban na lumipat na sa TV5. Ayon sa actor, never siyang nakialam sa showbiz career ng kanyang kasintahan, lalo na pagdating sa pagdedesisyon. “Walang problema sa amin ni Angel. At kung ano ang desisyon namin sa bawat isa ay amin ‘yung sinusuportahan,” pagwawakas ng binata.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING