Toni and Sam – Love Duets, round 2!

ADVERTISING

Toni and Sam - Love Duets, round 2!Premiere Shots
by Jean Oli
Photos by FERNAN SUCALIT

Kahit pa pereho silang may kani-kaniyang pag-ibig, may isang bagay na parehong malapit sa puso nina Sam Milby at Toni Gonzaga – ang pagkanta. Kaya ngayon, hindi na lang sila sa pelikula at teleserye pinagtatambal kundi pati na rin sa pagkanta, huh! Yes mga kaparazzi! May music album nga itong si Sam at Toni, ang kanilang Love Duets. Oh ‘di ba, title pa lang, bagay na bagay na sa dalawa.

Nitong nakaraang Pebrero 27 nga, ini-launch na ang Love Duets kung saan pasok ang mga bersyon ng romantic songs nina Sam at Toni. Ilan sa mga kantang tiyak na ika-i-inlove ng mga makikinig ay ang “If Ever You’re In My Arms Again,” “Way Back Into Love,” “Cruisin’,” “Suddenly,” at ang “You Are The One.” Tsika sa amin, talagang todo request daw ang fans ng dalawa, ang SamTiners na magsama ang kanilang mga idolo sa isang album. Kaya for sure, matutuwa ang mga ito sa kauna-unahang music album ng dalawa.

Kahit naudlot man ang sana ay isang magandang pag-ibig sa pagitan nina Sam and Toni, naging mabuti naman silang kaibigan sa isa’t isa. Isa siguro ito sa mga dahilan kung bakit patok na patok pa rin ang kanilang tambalan. Kapag nagkaroon ng concert ang dalawang ito, tiyak dudumugin ito ng kanilang fans. At mas bongga pa ito kung si Direk Paul na jowaers ni Toni ang magdi-direk nito. Watchateenk?

ADVERTISING