‘Di na raw kayang makasama si Marian Rivera sa Siyete Heart Evangelista, nagpahiwatig na gustong magbalik-kapamilya?!

ADVERTISING

‘Di na raw kayang makasama si Marian Rivera sa Siyete Heart Evangelista, nagpahiwatig na gustong magbalik-kapamilya?!

‘Di na raw kayang makasama si Marian Rivera sa Siyete Heart Evangelista, nagpahiwatig na gustong magbalik-kapamilya?!

ADVERTISING

ITINAKBO PALA SA St. Luke’s Hospital sa Global City sa Taguig three Thursdays ago si Pooh mula sa taping ng Banana Split sa Club Mwah sa Mandaluyong.

Nakapag-taping pa raw ang komedyante, kahit nila-lagnat sa studio ng ABS-CBN nu’ng araw na ‘yon, pero paglipat daw nila sa kanilang next location sa nasabing club kinagabihan, hindi na raw kinaya pa ni Pooh na ituloy ang mga natitira pa n’yang mga eksena, dahil sa tindi umano ng sakit ng kanyang magkabilang legs bukod sa nilalagnat pa nga s’ya.

Matapos ang check up, nilipat din daw si Pooh sa St. Luke’s Hospital sa E. Rodriguez sa Quezon City kung saan na s’ya na-confine mula nu’ng gabing ‘yon.

ADVERTISING

Ang tsika ng aming reliable source na malapit kay Pooh ay tila rheumatism ang findings ng mga tumingin na doktor sa komedyante.  Linggo ng gabi raw lumabas ng ospital si Pooh.

 

FINALLY, MAPAPANOOD NA muli sa TV si Aga Muhlach sa darating na Linggo sa kanyang bagong show na Pinoy Explorer sa kanya ring bagong taha-nan, ang TV5, pero hindi bilang aktor kundi isang TV host!

Tampok sa unang episode ang pagkukuwento ni Aga tungkol sa magagandang series na “Clash of the Titans” at Walking with Dinosaurs” ng BBC. Mapapanood din ang naiibang dinosaur museums at resource center sa North America.

Sa isang state nga raw sa parte ng North America na may 600 na tao lang ang populasyon, may nag-iisang Pinay na may asawang Amerikano ang naka-kilala sa mahusay na aktor.

Wala raw problema kay Aga, kahit dalawang oras lang ang tulog n’ya at ang mahahabang biyahe by land o sumakay ng maliliit na eroplano papunta sa kanilang susunod na destinasyon para mag-shoot, dahil bukod sa nag-e-enjoy at natututo rin s’ya sa kanyang bagong lara-ngan, pabor na pabor sa kanya ang napakalamig na klima roon.

Sa katunayan, sobrang lamig ng air-con sa dressing room ni Aga kapag nagte-ta-ping o shooting s’ya rito sa ‘Pinas. Nanginginig kami sa ginaw kapag dinadalaw namin s’ya.

Isa raw sa lugar na gustong puntahan ni Aga para sa mga susunod pang episodes ng kanyang bagong show ay ang South Africa.

 

IS IT TRUE na nagpahiwatig na raw si Heart Evangelista sa pamunuan ng Star Magic, ang ta-lent arm ng ABS-CBN, nu’ng gabi ng Star Magic ball na gusto na nitong magbalik-Kapamilya?

Ayon sa mga bulung-bulu-ngan, hindi na diumano kaya pa ni Heart na makasama sa Kapuso Network ang nakaalitan nitong si Marian Rivera.

Pero kung sakaling totoo nga ang tsika, hindi ba nanghihinayang si Heart sa mas malaki n’yang talent fee diumano kaysa kay Marian sa GMA-7?

 

NAKAUSAP NAMIN ANG bunsong anak nina Zsa Zsa Padilla at Tito Dolphy Quizon na si Zia Quizon sa event ni Tita Virgie Ramos ng Swatch sa Greenbelt 5 sa Makati nu’ng isang gabi.

Inamin ng dalaga na at 19, may boyfriend na nga raw s’ya na isang half-American/half-Filipino.

Pure American daw ang ina at Ilonggo naman daw ang tatay ng boyfriend ni Zia.

Pareho raw silang nag-aaral sa De La Salle University sa Taft Avenue sa Manila, pero magkaiba sila ng course.

Zia is taking up Literature and currently on her third year now, while her 21-year-old boyfriend is studying Psychology.

Naging magka-klase lang daw sila sa isang general subject nila noon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING