5 YEARS NA: Maria Ozawa, nakahanap ng bagong tahanan sa Pilipinas

PARA sa maraming barako, isa si Maria Ozawa sa mga Japanese stars na kanilang hinahangaan. Ang iba sa kanila ay napapanood ang legendary star sa mga videos na nakatulong sa kanilang pagkalalaki mahigit sampung taon na ang nakararaan.

5 YEARS NA: Maria Ozawa, nakahanap ng bagong tahanan sa Pilipinas
Maria Ozawa

Noong 2015 ay nakapasok sa Philippine showbiz ang aktres nang makasama siya sa pinagbidahang pelikula ni Cesar Montano na ‘Nilalang‘ with Meg Imperial and Yam Concepcion. Dahil sa opportunity na ito na makagawa ng mainstream film sa Pilipinas ay dinagsa ng maraming offers si Maria, na mostly ay modeling and endorsement deals. Umabot na rin sa punto na nagkaroon siya ng business partners sa bansa kaya naman mas naging stable ang kanyang status sa Pilipinas.

Idagdag pa ang kanyang love life! Dito sa Pilipinas nahanap ni Maria ang kanyang Prince Charming – ito ay sa katauhan ni Chef Jose Sarasola. Kung mukhang pamilyar ang pangalan at mukha nito, ito ay dahil nakasama ito sa Pinoy Fear Factor at nagkaroon din ng ilang TV guestings. Ngayon ay contact star na ito sa GMa Artists Center.

Three years and going strong pa rin ang relasyon nina Jose at Maria kahit pa sa kasalukuyan ay nasa Japan pa si Maria dahil sa Covid-19 pandemic. Miss na miss na ng Japanese star ang Pilipinas kaya puro Pinoy-inspired vlogs ang kanyang ginagawa.

Sa kanyang bagong vlog ay sinagot niya ang 100 Questions About the Philippines, na nakakatuwa dahil sinabi nito na sa Pilipinas nagbago ang buhay niya. Alam naman ng mga loyal fans ni Maria kung gaano ka-big deal ang pagiging comfortable nito na sa Pilipinas mag-umpisa ng bagong buhay. Kung titingnan mo rin ang kanyang past vlogs, meron itong mga cooking videos na Filipino dishes ang kanyang niluluto tulad ng adobo. Hinihikayat din niya ang mga kababayang Hapon na manirahan sa Pilipinas kuung meron silang koneksyon o oportunidad dito. Pinay at heart na si Maria! Ikakasal na kaya sila soon ni Chef Jose?