5 Pinoy Indie Films na ipinalabas sa Netflix ngayong Setyembre

ADVERTISING
Showbiz Blogster

HABANG tumatagal ay lalong bumobongga ang line-up ng Filipino mainstream and indie films na naililista at mapapanood sa #1 video streaming site na Netflix. Dahil dito, nabibigyan ang oportunidad ang mga moviegoers na mapanood ang mga pelikulang hindi nila naabutan sa mga sinehan dahil na rin sa limited screenings. Karamihan kasi sa mga pelikulang ito ay parte ng mga indie film festivals sa bansa tulad ng Cinemalaya at QCinema. Ang iba naman ay nagkaroon ng theatrical release, pero hindi naging priority ng mga sinehan.

Ngayong September ay limang pelikulang may katuturan ang naidagdag sa Filipino Films catalogue ng Netflix. Ito ay ang Gasping for Air (1-2-3), Sleepless, Waiting for Sunset (Kung Paano Hinintay ang Dapithapon), Distance at Write About Love.

Interesado ka bang malaman kung tungkol saan ang mga nabanggit na pelikula? Narito na ang mga detalye!

Gasping for Air

Starring: Carlos Dala, Barbara Miguel, Therese Malvar, Sue Prado, Patricia Javier and more

Director: Carlo Obispo

ADVERTISING

 

LOGLINE: When his sister disappears after leaving their home in hopes of singing stardom, Luis tracks down and discovers the grim reality of her whereabouts.

Gusto niyo ba ng pelikula na talagang mapapamulat ang mata mo sa realidad ng ibang batang Pilipino na naghihikahos? Panoorin ninyo ang pelikulang ito. Maganda ang iskrip, magaling ang cast members at matino ang direksyon. Siguraduhin niyo lang na matapang kayo, ha?

Sleepless

Starring, Glaiza de Castro, Dominic Rocco and TJ Trinidad

Director: Prime Cruz

LOGLINE: When two call center employees with insomnia start hanging out at night, they form a bond that helps them deal with the broken partss of their lives.

Pelikula para sa mga insomniacs! Marami ang nag-abang na maging available ang Sleepless sa Netflix. Isa sa pinakasikat na pelikula mula sa QCinema Film Festival, kuwento ito ng dalawang call center agents na madalas ay hindi makatulog dahil na rin sa kanilang trabaho na nakaapekto sa kanilang body clock. Dalawang tao na malungkot kahit hindi nila direktang inaamin, makakahanap sila ng ‘comfort’ sa piling ng isa’t isa. Huwag ninyo tutulugan ito, huh!

Waiting for Sunset (Kung Paano Hinintay ang Dapithapon)

Starring: Dante Rivera, Menggie Cobarrubias and Perla Bautista

Director: Carlo Catu

LOGLINE: The simple life of an elderly unmarried couple is upended when the woman’s estranged husband turns up with a unique request and a hope for forgiveness.

Isang kakaibang love triangle naman ang Waiting for Sunset (Kung Paano Hinintay ang Dapithapon) na naging kalahok sa 2018 Cinemalaya Film Festival. Pinagbibidahan ng veteran actors an sina Dante Rivera, Menngie Cobarrubias at Perla Bautista, dito natin masisilip ang kakaibang dynamics ng kanilang relasyon.

Distance

Starring: Iza Calzado, Therese Malvar, Max Eigenmann and Noni Buencamino

Director: Perci Intalan

LOGLINE: Five years after leaving her family, a mother returns to a fractured home and soon realizes that secrets – old and new – are still keeping them apart.

Iza Calzado is Iza Calzado. Isa siya sa very few competent actresses natin na kayang gampanan ang kahit na anong role na ibigay sa kanya. Sa Distance, isang ina na may mga itinatagong lihim ang muling babalik sa kanyang pamilya pagkaraan ng limang taon na pagkawalay sa kanila. Ano nga ba ang hudyat ng kanyang pag-alis sa Pilipinas at pananatili sa United Kingdom? Ano ang mangyayari sa relasyon nila ng kanyang ‘inabandonang’ anak na ngayo’y dalaga na?

Write About Love

Starring: Miles Ocampo, Rocco Nacino, Joem Bascon and Yeng Constantino

Director: Crisanto B. Aquino

LOGLINE: A pair of screenwriters with clashing ideas must collaborate on a romantic movie. But developing the perfect love story could spark romance off the page.

Kasalukuyang nangungunang pelikula sa Netflix Philippines, ang ‘Write About Love’ ang isa sa mga pelikulang humakot ng maraming parangal sa 2019 Metro Manila Film Festival. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtambal ang Kapuso actor na si Rocco Nacino at Kapamilya actress na si Miles Ocampo. Dito rin nanalo ng kani-kanilang Best Supporting Actor and Best Supporting Actress trophies sina Joem Bascon at Yeng Constantino.

Kuwento ito ng dalawang scriptwriters na magkaiba ang style at edad na ipagbubuklod ng isang proyektong gusto nilang tapusin. Anu-ano nga ba ang mga pinagdadaanan ng mga scriptwriters tuwing nagpipitch para mabigyan ng go-signal ang proyektong pinakamamahal nila? Ito rin ang kauna-unahang pelikula ni Crisanto B. Aquino ng TBA Studios, na matagal na rin nagtrabaho bilang Assistant Director. Ikinatuwa ng netizens ang pagkapasok ng pelikula sa Netflix at trending din ito ng ilang araw.

 

Alin sa mga pelikulang nabanggit ang gusto mong panoorin o napanood mo na? Kapag kailangan mo na ng time out sa KDrama at Hollywood Films, mga pelikulang Pinoy naman ang ipokus mo!

 

ADVERTISING