5 Internet sensation, magkakaroon ng Meet and Greet sa September 25

ADVERTISING

5 Internet sensation, magkakaroon ng Meet and Greet sa September 25

Ron Mclean, Chester Chua, Jhustine Miguel, JB Paguio, And Vellmore Ebarle
Ron Mclean, Chester Chua, Jhustine Miguel, JB Paguio, And Vellmore Ebarle

Magaganap sa September 25, 3 p.m. ang Meet and Greet ng lima sa Internet sensation na gaganapin sa McDonald’s Quezon Ave., Quezon City.
Kabilang sa mga ito ang former member ng Upgrade at G2B Boys at ngayon ay solo artist na si Ron Mclean; Chester Chua na ambassador ng Hector Salon, Jewels, at Ysa Skin and Body Experts; Jhustine Miguel na member ng Zero Ground at anak ng former “That’s Entertainment” member na si Jun Miguel; Jb Paguio na member ng Generation 6; at Vellmore Ebarle, ang leader ng grupong X3M. Hosted by DZBB 594 “Walang Siyesta” anchor Janna Chu Chu.
Uulan daw ng kilig performances, games, at papremyo sa Meet and Greet na ito nina Jb, Jhustine, Vellmore, Chester, at Ron. Magkakaroon din ng authographed signing at picture taking.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Ysa Skin and Body Experts at New Placenta.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING