Sa patuloy na isyu ng hiwalayan nila ni John Prats Sigaw ni Rachelle Ann Go: “Tama na!”

ADVERTISING

Sa patuloy na isyu ng hiwalayan nila ni John Prats Sigaw ni Rachelle Ann Go: “Tama na!”

Sa patuloy na isyu ng hiwalayan nila ni John Prats Sigaw ni Rachelle Ann Go: “Tama na!”SA KA-BUSY-HAN NG gabi ni Mother Lily Yu Monteverde noong Biyernes ng gabi sa pag-celebrate nito ng kanyang 72nd (pero 73rd daw sa Chinese) birthday sa mezzanine ng Imperial Palace Hotel, hindi pa rin naganap ang inantabayanan din ng mga entertainment press na naroroon para batiin ang Matriarka, na pirmahan ng kontrata sa pagitan nila ng dumalong Superstar na si Nora Aunor!

Punum-puno kasi ang function rooms ng mezzanine sa dami ng well-wishers ni Mother. Mula sa kanyang angkan hanggang sa mga celebrities at press na nagsipunta.

At talaga namang hindi sila magkakaroon ng chance ni Ate Guy na mag-usap, kahit pa kasama na ni Ate Guy ang manager niyang si Kuya Germs (German Moreno) at ang abogadong kani-lang sinasangguni para sa nasabing kontrata.

Hindi naman nagtagal ang Superstar sa nasabing kasayahan. Pero naikot nito ang mga tables at napagbigyan ang mga guests na gustong magpakuha ng larawan sa kanya.

ADVERTISING

Today, simula na si Ate Guy ng taping niya for Sa Ngalan Ng Ina ng TV5 sa Taal, Batangas at sa ilang parte ng Lemery. Dito sila nakakita ng bahay na siyang  magiging bahagi ng buhay ng karakter ni Elena sa nasabing istorya na ididirihe ni Mario O’Hara katulong (sa 2nd unit) si Jon Red.

May mga nagtatanong na nga kung meron daw kayang dadalaw sa taping ni Ate Guy sa nasabing lugar?

 

“TAMA NA!” ANG say ng singer na si Rachelle Ann Go sa mga isyu pa ring patuloy na pinag-uusapan sa paghihiwalay nila ng kasintahang si John Prats na nagtuturo kay Bianca Manalo as the third party.

Dagdag   pa  nito,  “Mara-ming sabi-sabi. Hindi mo na alam kung ano ang paniniwalaan mo. Ang alam ko hanggang ngayon, wala. So ‘yun na lang ang paniniwalaan ko. Iisipin ko pa ba ‘yun? Bakit pa? Babalikan pa ba, eh tapos na. So, tama na.”

Ito nga siguro ang dahilan kung bakit ang naisip na titulo ng Viva Records para sa bagong album niya eh, “Unbreakable”. Dahil kahit na ano pa ang duma-ting sa kanyang bagyo, nananatili namang hindi natitinag ito.

Inalalayan lang siya ni Cesar Montano sa isang show nila sa Canada, iba na ang inilabas na report dito. At ang kuwento eh, may relasyon na sila nito.

“Feeling ko nga po, marami naman talaga ang gusto akong hilahin pababa. Hindi ko po alam kung bakit. Nagmagandang-loob lang si Kuya Buboy (Cesar) na alalayan ako, intriga na pala ang kakabit noon. Kaya nagpapasalamat naman po ako nang nilinaw niya ito agad.”

Na sinundan pa ng asawa nitong si Sunshine Cruz ng pagtatanggol sa dalaga.

“Alam naman po kasi nila ang totoo. Feeling ko nga ako ang dahilan kaya nagsimula ang issue. Kaya sabi ko, okay lang na tirahin ako. Eh, kaso sila ang nadamay. At may pamilya pa. Kaya nakakahiya rin po sa kanila. Kaya I’m very thankful na lang na naintindihan ‘yun ni Ate Sunshine.”

Ayon pa sa Viva Artist Agency talent na si Rachelle, “Hindi ko alam kung grupo sila, kampo, batalyon o anupaman. Mahirap din namang mag-jump into conclusion. Kaya, hindi ko alam talaga kung kanino nanggagaling o sino ang pinagmumulan. Ang sure lang doon, mga taong ayaw sa akin ang nasa likod nito. Kung may galit, hindi ko alam. Sinusubukan ko na lang na deadmahin.

“Kung ako po, sanay na ako sa intriga. Alam ko naman na kasama ‘yun. Naaapektuhan lang ako ‘pag ‘yung nadadamay may mga inaapekto rin like kay Kuya Buboy, sa pamil-ya niya. Minsan lang, naa-absorb ko kaya naiinis ako at nasasaktan.”

 

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING