Candy Pangilinan, higit sa 10 beses pinagmumura si IC Mendoza!

ADVERTISING

Candy Pangilinan, higit sa 10 beses pinagmumura si IC Mendoza!

Candy Pangilinan, higit sa 10 beses pinagmumura si IC Mendoza!PATAPOS NA ANG first gap ng Juicy Express noong Lunes, nang may binasang tweet si Alex Gonzaga mula sa kanyang co-host na si IC Mendoza (twitter account, ICmendyosa). Nakasaad dito, “On my way to juicy. Good or bad issue di kita paguusapan. Not because bastos ka. you’re just super irrelevant. Morning! :).

ADVERTISING

Medyo naka-smile pa si IC noong mga unang tanong sa kanya, pero bigla itong nagbuhos ng emosyon sa live episode ng show. Umiyak at humagulgol si IC sa show dahil hindi niya kinaya ang ‘pagmumura’ diumano sa kanya ni Candy Pangilinan.

Kuwento pa ni IC sa Juicy Express, “Pumunta ako sa isang bar sa may Ortigas, nakita ko si Candy at Aiko Melendez. Nilapitan ko sila bilang kasamahan sa showbiz, pero hindi kami close, civil lang.

Ang sabi ko, ‘hi Candy, hi Aiko, ano po ang bago sa inyo na puwedeng mapag-usapan, live kasi ang Juicy bukas, para may baong istorya naman ako’,” panimula niya. Kahit promo daw basta meron siyang maikuwento.

ADVERTISING

“Bigla na lang niya akong si-nabihan nang P.I., nagulat ako, akala ko nagbibiro lang siya.” Pero nang kalaunan daw ay natantiya niya nang totoo na pala ‘yung ‘murang’ pinakawalan daw ni Candy.

Dugtong pa niya, “Lumabas ako para umiwas, pero sinundan pa rin niya ako at du’n ay pinagmumura nang ilang beses. Mabuti na lamang at inilayo siya ng mga staff ng nasabing bar.”

Hindi lang daw si IC ang minura ng komedyana kundi pati rin daw ang Juicy, ang mga taga-TV5, at dagdag pa raw nito na ang kanyang ina at lola ay may puso, pero siya wala. Hanggang sa mag-commercial break, umiiyak pa rin si IC.

Kaagad namang nagbigay ng reaksiyon si Candy sa isang entertainment website at sinabi nitong isa raw itong ‘heart to heart talk’ at tungkol sa diumano’y pagpuna sa kanya ng show na kinabibi-langan ni IC. At hindi rin daw niya minura si IC.

Pero nang maka-text ko si IC, pinanindigan niyang minura talaga siya diumano ni Candy, “Dami, more than 10 times.”

Bukas ang kolum na ito sa anumang pahayag mula kay Candy Pangilinan at IC Mendoza.

 

AKSIDENTE NAMING NAKASALUBONG sa isang event si Angel Aquino, at inusisa namin siya agad tungkol sa kanyang lovelife. Matatandaang hiwalay na siya sa kanyang longtime boyfriend na si Lui Villaruz. Third party daw ang dahilan pero walang nagsalita sa bawat isa. “’Eto, masaya naman ako.”

Kumusta na nga ba sila noong napapabalitang super rich guy na diumano’y naging bf niya after Lui?

“Ha, walang ganun. Wala akong karelasyon ngayon. Almost seven and a half months na akong single. Hindi totoo ‘yung mga tsismis.”

Ayan, at least malinaw na, ha?

 

Twitter:@arnielcserato, Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; e-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING