4 new sexy stars ipakikila sa Pornstar 2 nina Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Roces

Leo Bukas

MAY SEQUEL ang controversial film ni Direk Darryl Yap sa Viva Films na Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar. Natapos na ang lock-in shooting nito sa isang resort sa Pampanga at sisimulan na anytime soon ang post prod ng pelikula.

Muling bibida sa Pornstar 2 ang legendary sexy stars na sina Ara Mina, Maui Taylor, Alma Moreno at Rosanna a Roces. Apat na baguhang sexy stars naman ang ipakikilala sa pelikula and they are Sab Aggabao, Ayanna Misola, Stephanie Raz at Cara Gonzales.

4 new sexy stars ipakikila sa Pornstar 2 nina Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Roces
Ara Mina, Maui Taylor, Darryl Yap, Rosanna Roces and Alma Moreno

Male counterpart naman nila sina Prince Salvador, Jet Delgado, Rash Flores at Abed Green.

Ayon kay Osang, “Mas maganda ito kesa do’n sa una, promise.” Excited naman si Ara sa sequel ng movie, “Akala ko nga hindi na ako makakasama kasi nag-asawa na ako, buti na lang supportive ang husband ko.”

Masaya din sina Maui at Alma na muling naging bahagi sa pagkilatis ng mga idi-discover nilang bagong pornstars sa pelikula na katulad ng ginawa nila noon kay AJ Raval na introducing sa Pornstar 1.

4 new sexy stars ipakikila sa Pornstar 2 nina Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Roces

Samantala, umaasa ang apat na newbie sexy stars na magiging maganda rin ang kanilang kapalaran sa showbiz after mai-launch sa pelikula.

Ipinalabas ang Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar noong January, 2021 bilang initial offering ng Vivamax. Sa unang lingo naman ng December nakatakdang ipalabas ang Pornstar 2, still sa Vivamax.

Pornstar 2 is the 13th film of Darryl Yap sa Viva Films. Dalawang pelikula pa ang ipapalabas niya bago matapos ang 2021 – ang Sarap Mong Patayin at Barumbadings.