36th PMPC Star Awards for Movies mapapanood sa iba’t ibang online platform

Leo Bukas

HANDANG-HANDA na ang Philippine Movie Press Club sa pagdiriwang ng 36th Star Awards For Movies.

Dahil sa pandemya, idaraos ito sa pamamagitan ng virtual awarding na unang ginawa ng club simula nang mag-umpisang magbigay parangal ito mahigit tatlong dekada na ang nakakaraan.

36th PMPC Star Awards for Movies mapapanood sa iba’t ibang online platform
38th PMPC Star Awards for Movies

Magsisilbing hosts ng awards night sina Sanya Lopez at Alfred Vargas. Sina Regine Velasquez- Alcasid, Jed Madela at Luke Mejares naman ang mga performer sa pagbibigay parangal na ito ng PMPC sa mga taong  nasa harap at likod ng kamera sa mga pelikulang ipinalabas noong 2019.

Igagawad naman ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award sa  veteran theater, film, at television actress na si  Angie Ferro habang ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award ay ipagkakaloob sa  seasoned master na si  Direktor Elwood Perez na nagdiriwang ng ika-50 taon niya sa movie industry.

Ang 36th Star Awards for Movies ay handog ng Philippine Movie Press Club sa pangunguna ng kasalukuyang Presidente na si Roldan Castro sa pakikipagtulungan ng Film Development Council  of the Philippines ni Chairperson Liza Dino-Suegerra at ng Wemsap ni Wilbert Tolentino. Ito’y sa direksiyon ni Pete Mariano.

Mapapanood ang kabuuang programa sa  September 26  sa STV digital TV at RAD streaming platform ng alas-6 hanggang alas-9 ng gabi. Ipapalabas din ito ng alas-9 ng gabi sa iba’t-ibang online platform gaya ng  PMPC Facebook  page, FDCP Channel (Film Development Council of the Philippines, Abante Facebook Page, Abante Tonite Facebook Page, Beautederm Facebook Page, EuroTV Facebook Page, AbanteRadyo Tabloidista Facebook Page, ATC Channel 31 Online TV Network, Benny Andaya Official Account Facebook Page, Channel One Global, Channel One TV Movie Global at Mulat Media.

Sino kaya kina  Bea Alonzo (Unbreakable),

Kathryn Bernardo (Hello, Love, Goodbye), Angie Ferro (Lola Igna), Sarah Geronimo (Unforgettable), Janine Gutierrez (Babae At Baril), Ruby Ruiz (Iska), Sylvia Sanchez (Jesusa), Judy Ann Santos (Mindanao)​​​ at Jodi Sta. Maria (Clarita) ang mananalong Best Actress? Abangan!