JOHN LLOYD CRUZ-SHAINA MAGDAYAO, ZANJOE MARUDO-BEA ALONZO, AT JOHN PRATS-RACHELLE ANN GO, NAG-TRIPLE DATE!

AFTER NG REMAKE ng teleseryeng Mara Clara na unang pinagbida-han nina Judy Ann Santos at Gla-dys Reyes, next in line daw nga-yon ang Mula Sa Puso na unang teleserye at pinagbidahan ni Claudine Barretto 14 years ago.

Ang isa sa tatlong direktor ng Mula Sa Puso noon na si Wenn Deramas din daw ang magdidirek this year. May sey din daw ang direktor sa pagpili ng mga bida partikular na ang role ni Claudine noon bilang si ‘Via Pereira’ at ‘Ella Peralta’.

How true na ang isa sa kino-consider na leading men ay ang baguhang aktor na si JM de Guzman? Balik-Kapamilya naman daw si Eula Valdez para gampa-nan ang dating role ni Princess Punzalan, ang kontrabidang si ‘Selina’.

Kung wala kayang show ngayon sa GMA-7 ang ex-wife ni Willie Revillame na si Princess, kunin kaya siya ng ABS-CBN?

SA UNANG PAGKAKATAON ay magkakasama sa isang pelikula sina Angel Locsin at Bea Alonzo. Ito ay sa MMK The Movie for its 20th anniversary na naka-schedule ipalabas sa mga sinehan sa September. Si Laurenti Dyogi ang magi-ging direktor ng dalawang sikat at magagaling na aktres.

Gaya nina Angel at Bea, magsasama rin daw sa isang comedy flick sina Ai Ai delas Alas at Vice Ganda na siguradong magiging riot at blockbuster din tulad ng kanilang mga pelikula. Ipapalabas daw ito sa Black Saturday.

At para naman sa mga nagtatanong kung ano ang next project ni Sam Milby, gagawa siya ng pelikula with KC Concepcion. Kakatapos lang daw ng story conference nito kasama ang direktor na si Cathy Garcia-Molina. Magsisimula raw ang kanilang shooting this February.

Ang tatlong pelikula ay mula sa Star Cinema.

NAKITA NAMIN SA premiere night ng horror-comedy na Bulong nu’ng isang gabi sa SM Megamall Cinema 10 sina Zanjoe Marudo with Bea Alonzo and John Lloyd Cruz with girlfriend Shaina Magdayao. Bilang suporta nila ‘yon sa pelikula ng kaibigan nilang si Vhong Navarro.

Kitang-kita namin ang pagtawa ng apat sa mga eksena nina Vhong, Bangs Garcia at Angelica Pa-nganiban.

Sinuportahan din ng mga kaibigan at mga kasamahan ni Angelica sa Banana Split ang pelikula, tulad ni John Prats na kasama ang kanyang rumored girlfriend na si Rachelle Ann Go.

Nasa isang row lang sila. Sa kaliwang dulo nakaupo sina JLC at Shaina, nakapuwesto naman sa kanang dulo sina John at Rachelle Ann.

UGALIIN N’YO PA rin pong makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Paki-follow n’yo rin po ako sa Twitter: francissimeon. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

Previous articleTONI GONZAGA AT PAUL SORIANO, MAGPAPAKASAL NA!
Next articleENCHONG DEE, NAGTARAY!

No posts to display