Angel Locsin, naghahanap na ng bagong boyfriend!

ADVERTISING

Angel Locsin, naghahanap na ng bagong boyfriend!UMPISA NA NAMAN ng bagong taon kaya isang bagong simula na naman para sa ating lahat. At para kay Angel Locsin, isang bagong pag-ibig daw ang kanyang wish for 2011 according to an article posted by abs-cbnNEWS.com.

Patuloy ang pagkinang ng kanyang bituin since she started in showbiz. She has been getting all the big breaks at mukhang ang kulang na lang talaga ay isang lalaking tunay na magmamahal at magpapasaya sa kanya. Kung ito’y matatawag na kakulangan.

ADVERTISING

“I’m excited na alam mo bagong taon, new love, new beginnings,” sabi niya. “Masarap iyong feeling na inaasikaso ka, may nagte-text sa iyo once in a while.” Kanino kayang puso ang papanain ni Kupido para kay Angel? Abangan na lang natin.

Okay naman daw ang relasyon nila ngayon ni Luis Manzano. “In all fairness naman, okay naman kami ni Manzano. Mas magiging okay kami kung bibili siya ng DVD ng Imortal.” Nag-release kasi kamakailan ang ABS-CBN ng “Imortal” Volumes 1 and 2 sa DVD.

Sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan, ang maganda kina Angel at Luis ay hindi na sila nagkakailangan at wala nang galit sa pagitan nilang dalawa ngayon. Kung nagsara man ang pinto ng pag-ibig para sa kanilang dalawa, puwede namang magbukas ang panibagong pintuan ng tunay na pagkakaibigan sa kanila, ‘di ba?

ADVERTISING

Hindi siyempre maiiwasan kahit paminsan-minsan na maitanong kay Angel si Luis dahil sa kanilang pinagsamahan. They are public figures. The prying eyes of the public are always on them whether they like it or not. No matter how much they would like to keep their personal affairs private, hindi nila ito puwedeng itago sa mapagmasid na publiko. Marami ang interesedong malaman kung ano ang nangyayari sa kanilang buhay. Kaya nga hindi madali ang maging artista because being a celebrity comes with a high price. Minsan, sarili mo nang kaligayahan ang nakapusta. Nakakalimutan minsan ng publiko na katulad din nila ang kanilang mga hinahangaang artista.

Parehong abala ngayon ang dalawa sa kanilang mga showbiz commitments at ang pinakamahalaga ay okay na sila.

Angel Locsin, naghahanap na ng bagong boyfriend!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING