Thorn Between Two Roses Kim Chiu – Gerald Anderson – Bea Alonzo

ADVERTISING

MOST REQUESTED GOSSIP ng mga mahadera ang na sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Noong una, denial.com ang dalawa at sinabing paano raw mangyayari ’yon gayong hindi pa naman daw sila?

Marami ang kumukumpirma na talagang split na ang dalawa. Ayaw lang daw umamin dahil sa magiging negative sila sa paningin ng publiko, since never naman silang umamin na naging sila. Maraming ispekulasyon hinggil sa break-up. May nagsasabing may third party on the part of Gerald, at tila one sided lang ang relasyon ng dalawa dahil ang young actress lang daw ang nagmamahal.

ADVERTISING

Ang ikinagulantang pa ng lahat, ang mala-bomb explosion na may relasyon na sina Papa Gerald at Bea Alonzo dahil nga sa mga kumalat na pictures habang magkasama silang um-exit frame sa Star Magic Ball. Inulan itey ng sari-saring batikos mula sa mga die-hard Kimerald fans at umabot pa sa pagpapadala ng mga death threats para kay Papa Gerald at Bea. Afraid of the dark!

Lumabas din ang tsismaks na nagtangkang magsuicide si Kim dahil sa sobrang stress. Sa ginawang interview noon kay Bea, kilig-kiligan ang lola n’yo sa tanong kung nanliligaw sa kanya si Papa Gerald, at she’d rather keep it to herself. Until mismong si Gerald ang nagsabi na nanliligaw nga siya rito. Pero as of now ay friends lang daw muna ang dalawa at saka na ang seryosohan.

Ganun? Paano ang second chance ng tambalang Kimerald? Ang gulo-gulo ng mga utaw. Kalurkey kayo!

ADVERTISING

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba, Fernan Sucalit and Parazzi Wires


By MK Caguingin

ADVERTISING