3 years old na anak nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, marunong nang magbasa

ADVERTISING

3 years old na anak nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, marunong nang magbasa

Regine-Velasques-Ogie-Alcasid-NateISA SA natutuwa akong kausap kapag magpa-presscon ay itong si Ogie Alcasid. Nakatutuwa siya, at totoong-totoo siyang kausap na hindi ka sinu-showbiz.

Nu’ng nakaraang Lunes nga na nagpa-presscon siya para sa nalalapit niyang concert sa August 28 sa Music Museum, natatawa ako sa kuwento niya tungkol sa anak nila ni Regine Velasquez na si Nate.

Proud nga ang songwriter na kinuwento sa amin na sa edad na tatlong taon ay marunong na raw magbasa si Nate.

Malaking bagay raw ‘yung madalas na pinapanood ng kanilang anak ang video na Baby Can Talk, Baby Can Read. Natuto raw roon si Nate kaya marunong na itong magbasa. Bongga, ‘di ba?

ADVERTISING

Ngayon nga, pumapasok na siya sa Bridges na parang playschool lang para may time naman ang kanilang anak na mag-interact sa mga kaedad niya.

Sabi kasi ni Ogie, parang matanda na raw ang anak nila dahil walang bata sa bahay nila, kaya puro matatanda ang mga kausap niya.

Mabuti rin daw ‘yung may time siyang nakasasalamuha niya ang mga kaedad niya.

Natutuwa ring magkuwento si Ogie na nagkaroon daw sila ng time na mag-bonding na mag-ama kaya nataypan na rin daw ng anak niya ang mga kanta niya.

Dati kasi pawang mga kanta lang ni Regine ang gusto niyang pakinggan, pero ngayon type na rin daw pakinggan ng baby niya ang mga kanta niya.

Ewan ko kung matataypan ni Nate ang mga kakantahin niya sa sa concert niyang TBT with Mr. A na kung saan pawang mga kantang 80’s ang kakantahin niya.

Kaya nga throwback ang concept na tiyak matataypan ng mga fans niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING