2nd Year Anniversary ng SMAC matagumpay na naidaos

ADVERTISING

2nd Year Anniversary ng SMAC matagumpay na naidaos

SMAC TV Productions
SMAC TV Productions

Naging matagumpay ang pagseselebra ng ikalawang anibersaryo ng SMAC na ginanap sa Rizal Park Open Air Auditorium last July 29.

ADVERTISING

Ito’y sa pangunguna ng CEO/President ng SMAC na si Sir MJ Gutierrez at ng kanyang masisipag na staff na sina Tita Thess Reyes, Coach Zen Rodriguez, Sandy Matias, Rhekz Jamora, at ng kanilang artist na si Justin Lee.

Isa sa naging highlights ng ikalawang anibersaryo ng SMAC ang production numbers ng mga staff nito, kung saan nagpakita ng kanyang special talents ang bawat isa

At naging espesyal na panauhin sina Moira Lacambra, Jestony Alipda, Yna Magenda, Angelica Feliciano, Mateo San Juan, Russianne Ilao, Joy Apostol, at Julie Mayer.

ADVERTISING

Ayon nga ka’y Sir MJ, “Nagpapasalamat ako ka’y Lord kasi nakadalawang taon na kami. At kahit nga medyo naging mahirap ang pagsisimula ng SMAC ay nandidito pa rin kami at nalusutan kung ano man ang mumunting problemang dinaanan namin.

“Thankful din ako sa mga taong patuloy na sumusuporta sa amin, sa mga sponsors na nagtitiwala, at sumusuporta sa mga show namin.

“Nagpapasamalat din ako sa masisipag na staff ng SMAC na through thick and tyhin ay nand’yan.

“Sana’y patuloy na tangkilin ng mga manonood ang mga produced show namin like “Biyaheng Negosyo” sa NBN 4 hosted by Justin Lee.

“Again, maraming, maraming salamat sa lahat ng taong nagmamahal sa amin sa SMAC,” pagtatapos ni Sir MJ.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING