2nd EDDYS AWARDS, WAGING-WAGI NA WALANG INTRIGA

ADVERTISING

2nd EDDYS AWARDS, WAGING-WAGI NA WALANG INTRIGA

2nd EDDYS AWARDS, WAGING-WAGI NA WALANG INTRIGAHULI MAN ay naihabol pa rin ang mga nagwagi sa 2nd EDDYS Awards na ginanap last Monday, July 9 sa Solaire Resorts and Casino.

Maituturing na isa o kung hindi man nangunguna ang SPEED’s EDDYS Award sa ibang mga award giving bodies na binubuo ng mga entertainment editors sa pangunguna ni Ian Farinas na entertainment editor ng People’s Tonight tabloid.

Sa pangalawang taon ng kanilang pagbibigay parangal sa mga natatangi sa industrya ng pelikulang Pilipino, naisagawa ang 2nd EDDYS Award na walang kabuntot na intriga.

Bongga at maituturing na fabulous ang awards night na naganap kung saan ang magkapatid na sina Ruffa at Raymond Gutierrez ang naging main host at sina Rhian Ramos (na super sexy sa suot niyang gown) at ang society and lifestyle personality na si Tim Yap ang mga red carpet anchors.

ADVERTISING

Waging-wagi ang mga winners na kinabibilangan nina:

Best Actor: Aga Muhlach (Seven Sundays); Best Actress: Mary Joy Apostol (Birdshot) ; Best Supporting Actor: Dido dela Paz (Respeto), Best Supporting Actress na nag-triple tie sina Angeli Bayani (Maestra), Therese Malvar (Ilawod) and Chai Fonacier (Respeto) na first time lang nangyari sa isang awards night.

Best Picture ang Respeto and Best Director naman si Mikhail Red para sa pelikulang Birdshot.

2nd EDDYS AWARDS, WAGING-WAGI NA WALANG INTRIGA
THE ICONS at the 2nd EDDYS Awards Night

Pinarangalan din sa EDDYS 2018 ang mga Film Icons ng SPEED na sina: Maricel Soriano, Nora Aunor, Gloria Romero, Charo Santos Concio , Eddie Garcia na all present except si Susan Roces na hindi nakarating.

Ang speech ni Maricel pansin ng mga faney ay naka-focus sa page-emote sa kanyang Daddy Dolphy.

Kapansin-pansin lang ng mga media na nag-cover ng event na karamihan ng mga celebrities and nominees, presentors na dumalo na dapat ay lumakad sana sa red carpet ay sa backstage pumasok mula sa secret elevator mula sa parking area.

Sa lahat ng mga nanalo congratulations!

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING