2016 Mr. World 1st Runner-Up Fernando Alvarez, pursigidong matuto ng Filipino

ADVERTISING

2016 Mr. World 1st Runner-Up Fernando Alvarez, pursigidong matuto ng Filipino

2016 Mr. World 1st Runner-Up Fernando Alvarez
2016 Mr. World 1st Runner-Up Fernando Alvarez

Simula nang dumating sa bansa, puspusan na ang pag-aaral ng Filipino ni Fernando Alvarez, 2016 Mr. World 1st Runner-Up at Image Model ng New Placenta For Men.
Ito raw kasi ay bilang paghahanda niya sa pagkakaroon ng teleserye o pelikula. Katunayan ay nag-audition ito sa isang teleserye ng isang malaking TV network sa bansa. Kung papalarin nga siyang makuha, ito ang magiging hudyat ng pagpasok ni Fernando sa paggawa ng teleserye.
Kuwento nga ni Fernando nang makausap namin sa aming radio program “Walang Siyesta” sa DZBB 594, “I auditioned for a new soap. Hopefully, I will get the role.”
“I told them that this is my first acting audition in the Philippines. If they get me, I will do my best for the role. If not, I will thank them for the opportunity they gave me,” sabi pa ni Fernando.
Excited na raw si Fernando na makapag trabaho sa bansa. Kung mabibigyan nga raw siya ng pagkakataong magka-show, baka magtagal siya sa Pilipinas.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING