2016 MMFF, magulo ang taktikang ‘discounted ticket price’

ADVERTISING

2016 MMFF, magulo ang taktikang ‘discounted ticket price’

Eugene Domingo with Jericho Rosales
Eugene Domingo with Jericho Rosales

Yes, may change na nga sa 2016 Metro Manila Film Festival at ito ay ang kaguluhan na dala-dala ng mga ideya ng execom nila na nakaloloka.

ADVERTISING

Kung ako sa kanila, pakialaman na lang nila ang mga kaeklatan nilang “intelligent films”. Sa mahal ng ticket sa filmfest na P250, pipiliin ko lang ang mga panonoorin ko, tulad ng nag-iisang horror movie na “Seklusyon” nina Dominic Roque, JR Versales, John Vic Guzman, at Ronnie Alonte (shock boogie ako sa sa trailer) sa direksyon ni Erik Matti; ang Star Cinema entry na “Vince&Kath&James” nina Julia Barretto, Joshua Garcia, at Ronnie Alonte (again) na pambagets; “Oro” tungkol sa massacre sa isang small mining town sa Caramoan, Camsur; “Ang Babae sa Septic Tank 2” nina Eugene Domingo at Jerico Rosales, na sa mga nakapanood na ay laugh trip to the max; ang bekihan na “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros; at ang “Sunday Beauty Queen” na sinusuportahan ko personally tungkol sa mga OFW (DH) sa Hong Kong na isang documentary.

Dami kasing mga paandar ang mga bagong luklok.

Actually may bagong isyu ng discounted ticket prices ngayon na may ilang producers na umaalma at hindi sumasang-ayon.

ADVERTISING

Taktika ang discounted ticket prices ng mga nasa MMFF Execom para maabot nila ang inaambisyong quota sa kita nila. I doubt. Let us wait and see na lang.

 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING