2015 Miss Univers Pia Alonzo Wurtzback, nag-homecoming sa Kapamilya Network

2015 Miss Univers Pia Alonzo Wurtzback, nag-homecoming sa Kapamilya Network

2015 Miss Univers Pia Alonzo Wurtzback, nag-homecoming sa Kapamilya NetworkHappy ang mga taga-ABS-CBN at kasama sa itinerary ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach ang pagdalaw ng dalaga.

Bago sumali sa Bb. Pilipinas competition last year si Pia, nagsi-showbiz pa ito at isa siya sa mga talent ng Star Magic.

Masasabing isang homecoming ang pagbisita ni Pia kanina, Miyerkules, January 27, bago mananghali sa ABS-CBN Network grounds, kung saan mainit siyang sinalubong nina Ms. Charo Santos at Mr. Gabby Lopez kasama ang mga taga-network na tunay na inabangan ang pagdating ni Pia Alonzo Wurtzback.

Sa almost one week vacation ni Pia, isa sa pinakaimportanteng acivities ng dalaga ay ang pagdalo sa kasal ng bestfriend niyang si Pauleen Luna at Vic Sotto na magaganap sa January 30. Mag-bestie kasi sina Pia at Pauleen na even before sumali sa Miss Universe ang dalaga, may usapan na ang dalawa.

May nagtanong sa amin kung kumusta naman ang pagdalaw ni Pia sa Malacañang at sa pakikipag-usap niya kay President Noynoy? Waley. Harmless si PNoy. Huwag nang ipilit.

Dami na ring dumaan na natsi-tsimis kay PNoy noon, pero lahat nauwi sa wala dahil waley na waley naman talaga. From Korina Sanchez at Bernadette Sembrano to fashion stylist Liz Uy, p’wede ba, huwag nang ipilit. Iba na lang para mas totoo at makatotohan.

Basta kami, happy kami for Pia. Proud kami sa achievement niya. Hayaan na lang natin si PNoy na mag-count ng sheep until makatulog siya.

Reyted K
By RK VillaCorta