2014 Mr. International Neil Perez, bawal magsuot ng trunks

ADVERTISING

2014 Mr. International Neil Perez, bawal magsuot ng trunks

Neil-PerezMATAPOS NA magwaging Mr. International 2014 ng pulis na si Neil Perez, kaagad itong kinuha ng TV5 para gumanap na lead male star ng Wattpad Presents: My Ex, My Professor na magsisimulang mapanood sa Monday at 9:00 pm.

ADVERTISING

Hindi itinanggi ni PO2 Neil na may girlfriend na siya at kung hindi raw siya binigyan ng project ng TV5, baka nagpakasal na raw sila ng kanyang 5 years nang girlfriend.

Pero ang ikinagulat ng ilang press ay nang sabihin ni PO2 Neil ay bawal na bawal raw sa kanya na magsuot ng trunk. Oras na sinuway raw niya ito ay matatanggalan siya ng korona as Mr. International. Hangga’t ‘di raw natatapos ang term niya bilang Mr. International, hindi siya puwedeng magsuot ng trunks. Hanggang pa-topless lang daw ang puwede niyang gawin sa isang show or rampahan.

Hindi rin siya puwedeng maging endorser or maging image model ng kahit na anong uri ng underwear. Kaya sa Wattpad Presents: My Ex, My Boyfriend, hanggang topless lang ang puwede niyang ipakita.

ADVERTISING

May eksena pa naman sila ni Isabelle de Leon na siyang female lead partner niya sa Wattpad na dapat ay naka-trunk siya ay naging topless na lang.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING