2 Star Player ng UUAP, may silent rivalry; pakitang-tao lang ang pagkakaibigan

ADVERTISING

BLIND ITEM: Sana, hindi naman totoo ang nabalitaan naming ito. Kuwento kasi ng isang staff ng isang talk show, gine-guest nila ang dalawang Star Player ng UAAP sa isang episode, pero nu’ng makarating sa Star Player K (as in kalembang) na kasama sa naturang episode si Star Player T (as in Three-point shot) ay bigla raw nag-backout ang handler nito at nagdahilan na lang na meron nang previous commitment ang kanilang alagang player.
If this is true, nakakalokah pala ang silent rivalry sa pagitan nila, ‘no? Lalo na sa case ni Star Player K na ang alam ng lahat ay magkaibigan sila, pero meron palang ganitong factor. And to think, pareho namang Luz Valdez ang kani-kanilang team sa nakaraang season.
So alam na, ha? ‘Pag nakita natin ang dalawang star players na ito na magkahiwalay ang guesting, eh true nga. ‘Pag napanood naman nating guests na sila pareho sa isang episode, ibig sabihin, naayos din ang gusot.
Sey ng aming source, “‘Wag nang maarte ang kampo ni Star Player K, tutal, siya naman ang artistahin sa kanilang dalawa.”

By Ogie Diaz

ADVERTISING
ADVERTISING