2 PBB teen housemates Bailey at Kenzo, pinagpipiyestahan sa social media ang ‘bromance’ moments

2 PBB teen housemates Bailey at Kenzo, pinagpipiyestahan sa social media ang ‘bromance’ moments

Bailey-May-Kenzo-GutierrezKALAT NA kalat na at usap-usapan sa social media ang ‘bromance’ moments ng mga PBB teen housemates na sina Bailey May at Kenzo Gutierrez, kung saan kitang-kita sa video ang kakaibang closeness ng dalawa, tulad ng masaya nilang pag- uusap, pagyakap ni Bailey kay Kenzo, pagho-holding hands nila, at ang paghahawakan nila ng mga labi.
Iba’t iba ang naging reaksiyon ng mga nakapanood ng nasabing mga eksena. May nagsasabing baka sobrang naging at ease lang ang mga ito sa isa’t isa, habang ang iba naman ay binibigyang-malisya ang kanilang napanonood at nagsasabing baka nade-develop na ang mga ito sa isa’t isa.
Thor-DulayThor Dulay, may major concert sa Music Museum

 

NAKATAKDANG MAG-CONCERT ngayong July 17, Friday, at 8 pm sa Music Museum entitled “Thor Soulful Concert 2015” ang four chair turner ng The Voice of The Philippines Season 1 na si Thor Dulay.
Makasasama nito sa kanyang concert ang equally mahuhusay na mang-aawit na sina KZ Tandingn at Liezel Garcia at iba pang espesyal na panauhin. Ang concert na ito Thor ay hatid ng Aqueous Events Management,  sa pakikipagtulungan ng Music Museum.

Umaasa si Thor na susuportahan siya ng kanyang mga masusugid na tagahanga katulad ng pagsuporta sa kanya ng mga ito nang lumaban siya sa The Voice of The Philippines, at ng mga taong gusto ang klase ng kanyang mga awitin at istilo ng pagkanta.

John’s Point
by John Fontanilla