• Usapang Paratsi
  • Parazzi Made
  • Parazzi Scandals & Exclusives
  • Opinion
  • Blind Items
  • Parazzi Videos
Sign in
Welcome!Log into your account
Forgot your password?
Password recovery
Recover your password
Search
  • About
  • Advertise With Us
  • Contact
Sign in
Welcome! Log into your account
Forgot your password? Get help
Password recovery
Recover your password
A password will be e-mailed to you.
Pinoy Parazzi
  • Usapang Paratsi
  • Parazzi Made
  • Parazzi Scandals & Exclusives
  • Opinion
  • Blind Items
  • Parazzi Videos
Home Usapang Paratsi Danny's Law

2 Linggo na sa ospital Cristine Reyes, may meningitis?!

By
Danilo Jaime Flores
-
August 22, 2011

2 Linggo na sa ospital Cristine Reyes, may meningitis?!

2 Linggo na sa ospital Cristine Reyes, may meningitis?! DALAWANG LINGGO NA palang naka-confine si Cristine Reyes sa Cardinal Santos Medical Center. Sa kanyang Twitter account na @EVAFONDA2008 na may petsang na Aug. 20, hiling ni Cristine sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang dasal ng mga ito para sa mabilis niyang paggaling. Aniya, “Bothered. pls pray for my fast recovery.really hoping to get out of here asap. Two weeks inside is crazy :(”

Nag-post pa si Cristine ng photo sa kanyang Twitter account habang nakaratay siya sa kama sa loob ng isang kuwarto sa nasabing ospital.

Sa naunang ulat, hinihinala na Dengue ang sakit ni Cristine, dahil sa pabalik-balik na mataas na lagnat, pero base sa mga isinagawang test, lumalabas na negatibo ang sexy actress sa nasabing sakit.

Ayon naman sa source naming nurse sa nasabing ospital, dinapuan ng sakit na meningitis ang bida ng afternoon seryeng Reputasyon. Ang meningitis ay pamamaga o inflammation ng protective membrane na tumatakip sa utak at spinal cord. Karaniwang sanhi ng pamamaga ay impeksiyon dulot ng virus, bacteria o microorganism. Delikado rin ang sakit na meningitis dahil sa malapit lang ang nasabing pamamaga sa utak at spinal cord, at classified as a medical emergency ang nasabing sakit.

Ilan sa kadalasang sintomas ng meningitis ay ang pananakit ng ulo at pagkakaroon ng stiffneck, gayundin ang lagnat, pagkalito, pagsusuka, at pagkairita sa liwanag (photophobia) at malalakas na ingay (phonophobia).

Sinabi naman sa amin ng isa pang source na nakuha ni Cristine ang sakit sa hangin sa palengke (airborne) sa location kung saan nila kinukunan ang mga eksena sa kanyang teleserye.

At dahil nga sa may dalawang linggong pagkaka-confine ng aktres sa ospital, apektado rin ang production ng Reputasyon. Napag-a-laman namin na ni-revise na raw ang script ng serye para makapag-taping ang production kahit wala si Cristine.

Hangad naman namin ang tuluyan na ngang paggaling ni Cristine at mabilis niyang recovery. Kulang din naman kasi ang hapon namin kapag hindi napapanood ang sexy actress sa napaka-interesting na istorya ng Reputasyon.

2 Linggo na sa ospital Cristine Reyes, may meningitis?!

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Viber
Twitter
Facebook
Pinterest
WhatsApp
ReddIt
Telegram
LINE
    Previous articleAndi Eigenmann, dahilan ng maagang pagkatsugi ng Minsan Lang Kita Iibigin?!
    Next articleMagaling na young actor, may speech problem!
    Danilo Jaime Flores
    Danilo Jaime Flores

    RELATED ARTICLESMORE FROM AUTHOR

    Kris Aquino, pinatatahimik kaugnay ng gagawing Hollywood movie

    Angel Locsin, si Neil Arce ang bagong idine-date?

    Mga alegasyon ni Kris Aquino, inalmahan ni Renan Morales

    LATEST NEWS

    VLOG WATCH: KC Concepcion surprises Sharon Cuneta on her birthday in...

    Photostories January 21, 2021

    Kelvin Miranda, next important leading man ng Kapuso Network

    Photostories January 21, 2021

    Keann Johnson bida ulit sa BL movie na ‘Run’

    Photostories January 21, 2021

    Mr. M isiniwalat ang dahilan ng pag-alis sa ABS-CBN at...

    Photostories January 21, 2021

    Toni Gonzaga, bida sa Philippine adaptation ng ‘My Sassy Girl’

    Photostories January 21, 2021

    News about the famous people from the Philippines.

    Pinoy Parazzi Philippines
    Unit 345 – 346, 3/F, Peninsula Centre
    No. 67 Mody Road
    Kowloon, Hong Kong
    Contact us: contact@pinoyparazzi.com

    LATEST NEWS

    VLOG WATCH: Wallet Raid ni Vice Ganda sa It’s Showtime Hosts!

    Photostories January 16, 2021

    Janine Gutierrez certified Kapamilya na!

    Photostories January 15, 2021

    Rosanna Roces, hindi makalimutan ang panlalait ng isang senior star

    Photostories January 15, 2021

    Viva handa na uling tumuklas ng mga bagong talento sa ‘Born...

    Photostories January 15, 2021

    Louise delos Reyes at Bugoy Cariño, magkapatid na magkarelasyon sa ‘Wanted:...

    Photostories January 15, 2021

    POPULAR CATEGORY

    • Usapang Paratsi4621
    • Reyted K2829
    • Photostories2827
    • Lex Chika1645
    • Blind items1640
    • John's Point1276
    • La Boka1164
    • Past Issues1054
    • Mga Mata ni Lolita923
    • Oh. C’mon!747
    • Ayaw Paawat741
    • Point of Boy731
    • Shooting Range727
    • Pepperoni724
    • Disclaimer
    • Privacy Policy
    • Contact Us
    • About Us
    Copyright © 2021 · Pinoy Parazzi.