2 Compositions ni Marion Aunor, ire-record nina Sharon Cuneta at Jona

ADVERTISING

2 Compositions ni Marion Aunor, ire-record nina Sharon Cuneta at Jona

Marion Aunor
Marion Aunor

Sa kabila ng kabisihan ni Marion Aunor sa pagpo-promote ng kanyang latest single na “Oo Nga Pala” mula sa Star Music na komposisyon ni Joven Tan, patuloy pa rin ang mga aktibades ng singer.

ADVERTISING

Sa katunayan sa Thursday, December 1 ay magaganap ang 2nd leg ng kanyang bar tour sa Historia Boutique Bar sa Sgt. Esguerra Avenue, malapit sa kanto ng Timog Avenue in Quezon City.

Sa first leg ng kanyang bar tour concert series na isinagawa sa 19 East Bar and Grill sa Parañaque, dapat sana ay makasasama niya si Michael Pangilinan. Pero that day, stranded ang flight ng singer pabalik ng Manila (may presscon siya noon para sa concert nila ni Arnel Pineda sa Solaire Resorts and Casino) from Bacolod City at may bagyo nga sa Bacolod na pati ang show ng dalaga ay naapektuhan.

With Michael’s guesting on Thursday, nangako naman si Khiel na babawi siya sa fans sa absence niya sa show noon.

ADVERTISING

Last Saturday over pork dinuguan and putong puti, naikuwento ni Marion na magbabago siya ng kanyang repertoire dahil baka kasi may fans and supporters siya na nanood na ng show niya sa 19 East Bar at muling manood ng kanyang show sa Historia.

“Nakakahiya naman, Tito RK, dahil they’ve heard it na sa last show, uulitin ko na naman,” sabi ng dalaga sa amin kung saan we had a short chit-chat together with her mom Ms. Maribel “Lala” Aunor, kung saan sa harap naman ng Aristocrat Restaurant ay may pa-free show si Michael for his fans and supporters na nag-celebrate ng kanyang 21st birthday sa Rajah Sulayman Park.

Latest update on Marion ay ang pagka-aprub ng two compositions niya na ire-record ng Megastar Sharon Cuneta na magbabalik-eksena sa recording under Star Music at sa album naman ni Jona who had a successful concert at KIA Theater recently.

On the 2nd leg of Marion’s bar tour series, bukod kay Michael, makasasama ng singer-composer as guests ang baguhan na si Kiel Alo at ang kapatid niyang si Ashley Aunor na isa ring magaling na composer (just like her Ate Marion) and a good rock and roll performer.

The concert will be hosted by Ambet Nabus who will perform a couple of songs. Please come early. Show starts at 9 in the evening.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING