2 bagets, nag-check-in sa isang 5-star hotel sa Makati

HINDI ALAM ng friend ng friend namin kumbakit kailangang nakayuko ang dalawang bagets na nakasabay niya sa pagsakay sa elevator kung wala naman daw ginagawang masama ang dalawa?

Kung hindi nagkakamali ang aming source, nitong Huwebes lang nito niya nakita ang dalawa. Nakasimpleng T-shirt lang ang babae at nakapang-basketball outfit with matching cap naman ang lalaki.

Hindi kaya sila ay sabay lamang magdyi-gym bilang me gym naman talaga ang 5-star hotel na ‘yon sa Makati? O, baka me pupuntahan lamang na tsikahan with friends sa isang hotel room doon?

Pero siyempre, ‘pag ganyang dalawa lang sila, isa lang ang iniisip ng mga makaaalam. Nag-check-in sila roon para alam n’yo na. Pero ayaw naman naming mag-conclude agad. Bibigyan pa rin namin sila ng benefit of the doubt, ‘ika nga.

Pero kung sila na nga, wala namang problema, eh. Dahil alam namin, noon pa naman sila me relasyon. Ewan kumba’t hindi pa nila amining sila na, eh wala naman silang nasasagasaang ibang tao to begin with.

O, hindi kaya ang dahilan nila kumba’t ayaw pa nilang umamin ay lalo lang lalabas na “playboy” ang aktor at ang babae nama’y aakusahan na namang malandi?

Itanong natin ito kay Kuya Kim.

(By Ogie Diaz)