2 ARTISTANG LALAKI, MAY ITINATAGONG KAELYAHAN SA KOTSE?!

BLIND ITEM: ISANG madaling-araw ay may pumaradang SUV sa tapat ng isang convenience store malapit sa isang subdivision sa Pasig.

Hindi pinatay ang makina, bumaba ang dalawang artistang lalaki patungong tindahan.

Siyempre, kaway-kaway sa ilang fans na naroon. At isa du’n ang aming friend na kinawayan.

“Mama Ogs, pagbaba nila ng sasakyan, naaaninag ko sa window ng car nila na may 2 girls. At nakayuko pareho, parang takot sa tao.

“Sino ang mga babaeng ‘yon? Ba’t parang hiyang-hiya silang makita ng mga tao sa labas?

“Mga artista kaya ‘yon at ayaw magpakita? Saka kung barkada lang sila, eh ‘di ok lang na makita sila, ‘di ba?

“O, kaya eh, bumaba rin sila at sumama sa dalawang lalaki sa pagpasok sa convenience store.

“Hindi nila kailangang magtago kung wala silang masamang intensiyon kundi friendship. I think magtsutsuktsakan ‘yan, dahil paglabas sa tindahan ng dalawa, me mga dala nang alak at tsitsirya, eh.

“Maglalasingan para horning-horny sila!”

Ganon ba? Parang hindi naman kami makapaniwala dahil ang alam namin, parehong malapit kay Lord ang dalawang ito.

Clue? Magbibigay kami ng limang letra at yung apat doon ay initials ng pangalan nila.

M-V-B-S-G.

O, siya, manonood pa kami ng sine sa Megamall.

NAKAKATUWA ANG MGA itini-tweet na photos ni Zanjoe Marudo sa kanyang followers.

Sinamantala nilang magbabarkada ang Holloween vacation, kaya nag-Hong Kong sila kasama sina Rayver Cruz, Vhong Navarro, Drew Arellano at iba pang showbiz friends.

Dinukot namin ito sa twitter account ni Zanjoe, kaya pagtiyagaan n’yo na. At i-enjoy na rin.

NAKIUSAP SA AMIN si Marissa Sanchez na dalawang araw na patay ang kanyang celfone, dahil magre-rehearse siya para sa kanyang birthday concert sa Zirkoh sa November 27.

Full band ang show ni Marissa. Ni-request pa niya ang “mahal” na si Elmer Buencaflor bilang kanyang musical director.

“Inspired ako, dahil birthday show ko ito at ginagawa ko rin ito bilang suporta sa Philippine Foundation for Breast Care, Incorporated na lagi naman nating sinusuportahan.

“Kaya nga ang title ng show, ‘Happy BreastDay, Marissa!’ Dahil para sa kanila ‘to.

“Ang nakakatuwa, si Papapi Piolo Pascual, pumayag na mag-guest at si Toni Gonzaga para sa mga breast cancer patients and survivors.

“Kaya sana, ‘yung gusto ng good music at stand up comedy, watch sila. Nag-enjoy na sila, nakatulong pa sila!”

For ticket reservation, pls call 09228398877.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleClaudine Barretto at Raymart Santiago, pakitang-tao lang ang pagka-sweet?!
Next articlePokwang, ‘flop’ ang concert?!

No posts to display