1ST EDDYS Highlights & Sidelights: JaDine performance, Nora vs. Vilma, Rhian Ramos and more!

ADVERTISING

1ST EDDYS Highlights & Sidelights: JaDine performance, Nora vs. Vilma, Rhian Ramos and more!

1ST EDDYS Highlights & Sidelights: JaDine performance, Nora vs. Vilma, Rhian Ramos and more!
Nadine Lustre and James Reid

BONGGA ang opening production number nina James Reid at Nadine Lustre sa naganap na SPEED 1st EDDYS Award.

 
Super performance level ang dalawa na pinatunayan na active and alive pa rin ang presence nila sa showbiz sa kabila ng kawalan ng teleserye at pelikula,
 
Sa mga hindi nakakaalam, hindi lang isang magaling na aktor si Arjo Atayde – hindi rin nito inuurungan ang pasayaw at paghataw!
 
Taas-energy level ang performance nila ni Yassi Pressman.
 
1ST EDDYS Highlights & Sidelights: JaDine performance, Nora vs. Vilma, Rhian Ramos and more!
Cristine Reyes and Ali Khatibi
 
Agaw pansin ang mag-asawang Ali Khatibi at Cristine Reyes nang dumating sila sa Kia Theater. Pinagkaguluhan na sila kaagad ng mga fans.
 
1ST EDDYS Highlights & Sidelights: JaDine performance, Nora vs. Vilma, Rhian Ramos and more!
Rhian Ramos
 

Si Rhian Ramos na nominated for Best Actress para sa pelikulang ”Saving Sally” was in  her very sexy soft floral black and white gown na litaw ang maganda niyang cleavage sa sobrang mababang V neckline. Sakay ng black sports car  si Rhian na sa pagbaba niya, feeling ko ay nanonood ako ng isang James Bond movie na tipong may meet-up sila ng pamosong spy sa loob ng Kia.

1ST EDDYS Highlights & Sidelights: JaDine performance, Nora vs. Vilma, Rhian Ramos and more!
Mother Lily Monteverde with children and apos
 
Dumating si Mother Lily kasama ang mga anak na ina Roselle at Dondon ant mga apo niya in her black beaded gown para tanggapin ang special award as Producer of the Year.
 
Si Kuya Boy Abunda naman was rushing nang dumating sa Kia to receive his Joe Quirino Award na in seconds ay diretso akyat na siya sa entablado.
 
Naloka lang ako na absent ang halos lahat ng mga nanalo.
 
Wala si Paolo Ballesteros at Vilma Santos (nasa abroad for a vacay); John Lloyd Cruz and Angel Locsin (pero nagpasalamat kaagad ang aktres sa kanyang IG account sa napanalunang EDDYS).
 
Si Lav Diaz na nanalo as Best Director for Ang Babeng Humayo ay waley para tangapin ang kanyang award.
 

Magandang ang pair sina Christopher de Leon at Lorna Tolentino nang tawagin sila to present one of the categories.

1ST EDDYS Highlights & Sidelights: JaDine performance, Nora vs. Vilma, Rhian Ramos and more!
Nora Aunor
 
In fairness, maganda at fresh si Nora Aunor at hindi mukhang haggard nang dumating sa venue kung saan nominated siya as Best Actress for her performance in Tuos.
1ST EDDYS Highlights & Sidelights: JaDine performance, Nora vs. Vilma, Rhian Ramos and more!
Rare touching moment between Mother Lily, Direk Maryo J. Delos Reyes and Nora Aunor
 

Buhay na buhay ang pa rin ang rivalry nina Vilma Santos at Nora Aunor kapag sabay nominated ang dalawang aktres sa isang awards night. Ang mga hecklers na anti-Vilma na mga Noranians, pinagsisigawagan na “Ang Babaeng Ugat” ang aktres at ang mga anti-Nora na mg Vilmanians, ipinagsisigawan nila na si Guy ay “ulikba” na noon pa man ay siya na ng tawag ng mga fans sa kalaban ng kanilang mga idol.

ADVERTISING

 

1ST EDDYS Highlights & Sidelights: JaDine performance, Nora vs. Vilma, Rhian Ramos and more!
FDCP & NYC: Liza Diño and Aiza Seguerra

Present to give support sa SPEED si FDCP Chairperson L:iza Dino habang ini-interview siya ng press tungkol sa MMFF 2017 controversy, ang mister si Aiza Seguerra ay nakamasid lang sa may pintuan ng teatro na sabi sa amin ay kagagaling nila nila sa Caramoan in CamSur to attend a film camp.

1ST EDDYS Highlights & Sidelights: JaDine performance, Nora vs. Vilma, Rhian Ramos and more!
Kisses Delavin and Marco Gallo

Ang teen heartthrob na si Marco Gallo, nabukulan at naitakbo sa ospital dahil nindi napansin ang glass door ng KIA main entrance na walang marker.

1ST EDDYS Highlights & Sidelights: JaDine performance, Nora vs. Vilma, Rhian Ramos and more!
Christian Bables
Sport at game na dumating si Christian Bables last night sa EDDYS na nominated for Best Supporting Actor para sa pelikulang Die Beautiful for his stunning performance as Barbs.
 
Sa kabila ng mga ngaragan ay naging matiwasay ang 1st EDDYS ng SPEED. Hanggang sa muli!

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING