Jill Estrada ipapakita na ang galing sa pag-awit

Eddie Littlefield

KAKAIBA kung ikukumpara sa ibang baguhan singers ang timbre ng boses ni Jill Estrada, ang bunso anak nina Precy at Jinggoy Estrada na siyang kumanta ng campaign song for TVC ng dating Senador entitled “May Bukas Pa.” Sobrang natuwa at na-excite ang bagets nang sabihin sa kanya ni Precy siya ang kakanta ng compaign song ng kanyang Papa Jinggoy. Agad kinausap ni Jill ang brother niya si Julian ( DJ actor/Star Magic talent) to assist her.

Jill Estrada ipapakita na ang galing sa pag-awit
Jill Estrada

Six years old pa lang si Jill ay mahilig na ito umawit. Ngayong 15 years old na siya, lalong na develop ang husay niya sa pag-awit. Favorite singer niya sina Moira dela Torre at Zack Tabudio. “I hope someday maka-duet ko sila. Music is my passion and I love to sing,” aniya.

Walang duda na namana ni Jill sa kanyang  Mommy Precy ang ganda ng boses nito at galing kumanta. Maririnig mo lang siya kumanta tuwing may special occasion ang pamilya Estrada.

May chance kaya mag-showbiz si Jill ?

Jill Estrada ipapakita na ang galing sa pag-awit
Julian and Jill Estrada

“Not sure,” ang matipid niyang sagot. Mas binibigyan niya ng priority ang kanyang singing career. Pero hinahanggan niya ang Kapamilya star na si Jodi Sta Maria at bagong Kapuso star na si Bea Alonzo dahil sa galing nilang umarte.

Makulit pero mapagmahal kung i-describe ni Jill ang kanyang  Papa Jinggoy. Very supportive sa kanyang singing career ang mag-asawang Precy at Jinggoy.

 

Previous articleBea Alonzo bagong Tanduay calendar girl; sumabak sa sexy photo shoot
Next articleVLOG WATCH: ‘To Have and To Hold’ lock-in taping vlog ni Max Collins!