Kris Aquino, sumugod sa post birthday party ni Mayor Herbert Bautista

ADVERTISING

Kris Aquino, sumugod sa post birthday party ni Mayor Herbert Bautista

Kris Aquino, sumugod sa post birthday party ni Mayor Herbert Bautista
Mayor Herbert Bautista and Kris Aquino with friends

SPOTTED again na magkasama nung Wednesday night (May 23) sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Kung last week ay spotted silang nanonood ng pelikulang Kasal ni Bea Alonzo sa isang sinehan sa Quezon City, nung Wednesday ay nasa isang resto bar ang dalawa sa may Scout Rallos.

Sumugod ang Queen of All Media sa ginanap na surprise birthday party kay Mayor Bistek ng kanyang mga high school friends nang mabalitaan niyang malapit lang ito sa location ng syuting ng pelikula I Love You, Hater.

Ang naturang party ay post birthday celebration ni Bistek’s para sa kanyang 50th birthday on May 12.

ADVERTISING

Anyway, saglit na nagpaalam si Kris sa syuting ng Star Cinema movie na I Love You, Hater nung nagpapalit na ito ng set-up at pinayagan naman siya.

Of course, marami ang nagulat at natuwa sa pagdating ni Kris sa post birthday party ng mayor.

Hindi rin naiwasang makantyawan si Bistek ng ilan sa kanyang mga kaibigan dahil sa biglang pagsulpot ni Kris.

After ng photo op at saglit na tsikahan ay umalis rin agad si Kris sa venue para bumalik sa syuting ng I Love You, Hater.

    

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING