Para Klaro sa LizQuen at KathNiel Fans: Hindi si Daniel Padilla ang leading man ni Liza Soberano sa Darna!

ADVERTISING

Para Klaro sa LizQuen at KathNiel Fans: Hindi si Daniel Padilla ang leading man ni Liza Soberano sa Darna!

Para Klaro sa LizQuen at KathNiel Fans: Hindi si Daniel Padilla ang leading man ni Liza Soberano sa Darna!
Liza Soberano and Daniel Padilla

NAGING VIRAL ang isang balita na pinagtatalunan ng mga fans nina Liza Soberano at Daniel Padilla the other day.

ADVERTISING
 
Kasi naman, may lumabas na balita na ang gaganap na love interest ni Darna (karakter ni Liza) ay no less than Daniel Padilla.
 
Hellooo? May chemistry ba? Bakit silang dalawa? Ano ang nagyari?
 
Ang mga LizQuen fans nag-react. Nagaalburoto ang mga fans nina Liza at Enrique Gil? Super react din ang mga KathNiel fans saying na pinaghihiwalay na ba ng Star Cinema ang tambalan ng mga idols nila nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?
 
Kaya nga ang mga fandom nina LizQuen at KathNiel nagkakagulo.
 
Pero agad kinontra ng manager ni Liza na si Ogie Diaz sa kanyang social media account na Facebook na walang katotohanan ang balita. “Not true,”pagka-ulat niya noong Lunes.
 
I remember Ogie saying na kung sakali magkaroon ng love interest si Liza as Darna (and Narda as the ordinary girl); may say si Ogie sa amin na: ”Sino pa ba ang dapat at swak na maging leading man ni Liza?” balik tanong niya sa amin na sinagot ko ng si Enrique, no less.
 
Maging kay Direk Erik Matti nakarating din sa kanya ang balita pero not true na si Daniel ang leading man.
 
Sa isang panayam kay Direk Erik recently after pumutok ang balita: “Hindi ko nga pwede sabihin. Mahirap, e, di parang kinonfirm ko na yun. Hindi pa namin masasabi kung sino yung partner,” pahayag nito.
 
Kung ako ang tatanungin, mas akma at mas bagay si Quen kahit kanino pa na leading man.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING