Michael Pangilinan, umiyak nang hindi makita ang anak sa birthday concert

ADVERTISING

Michael Pangilinan, umiyak nang hindi makita ang anak sa birthday concert

Michael Pangilinan
Michael Pangilinan

Kumpleto na sana ang kasiyahan ni Michael Pangilinan sa kanyang libreng birthday concert sa Rajah Sulayman Park dahil naging star-studded ito. Pero ikinalungkot niya na hindi man lang nasilayan ang anak sa kanyang mismong kaarawan.

“Bago ako pumunta rito, ‘yun lang ang pinagdasal ko – sana maghimala na biglang iakyat (ang bata sa stage),” buntong-hininga ng singer.

Ayon kay Michael, sana man lang daw ay pinapunta ni Erin ang anak nila.

“Kahit hindi na siya ang magdala sa bata, pasuyo lang niya sa iba or ipahatid niya sa iba, ‘di ba?” dagdag pa niya.

ADVERTISING

Hindi na rin napigilan ni Michael ang mapaiyak dahil sa nangyari.

“Kung matino ka (referring to Erin), birthday ng tatay ng… (anak mo), debut pa, ano ba naman ’yung mag-effort ka, little effort na… may kotse ka naman, bumiyahe ka, kahit tapos na, kung ano’ng oras ka darating.

“Kung nakikipagmataasan ka ng pride, huwag kang bumaba (ng kotse), ipahatid mo ‘yung bata,” sabi pa niyang pilit pinipigil ang pag-iyak.

Ayon pa kay Michael, matagal na rin daw ayaw ipahiram sa kanya ni Erin ang kanilang anak.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING