Michael Pangilinan, oras na para magbayad

ADVERTISING

Michael Pangilinan, oras na para magbayad

Michael Pangilinan
Michael Pangilinan
Poster of Michael Pangilinan’s free birthday concert
Poster of Michael Pangilinan’s free birthday concert

Isa sa mga malalaking event sa buhay ng anak-anakan namin na si Michael Pangilinan ay ang free birthday show niya na magaganap sa darating na Saturday, November 25 ( araw mismo ng kaarawan niya).

For the past five struggling years, ang dami nang napagdaanan ni Khiel (playaw ni Michael), kung saan may mga pagkakataong tinatanggihan siya, hindi pinapansin. Pero dahil sa pagsusumikap niya, heto siya ngayon sa industriya na mahal niya.

Sabi nga niya, “Sa loob ng limang taong pamamalagi ko sa music industry, I guess it’s time for me to give back. Sabi nga, its payback time sa mga nagmamahal at sumusuporta sa akin, ‘di ba? Over the years, I truly realized na ito talaga ang mundong gusto kong tahakin, ang pagiging singer/performer.

“And I’m truly grateful to all of you—to my manager (Jobert Sucaldito) who has always stood by me since day one. I promise you na hindi ko pababayaan ang karerang ito and I will be a better boy,” pahayag ng singer.

ADVERTISING

At siyempre, hindi mawawala ang pasasalamat ng singer sa kanyang supporters at fans na as always ay nandoroon sa tabi niya para suportahan siya.

Sa katunayan, sa isang out of town show niya sa San Fernando, La Union noon na nakasama kami sa imbitasyon ng kanyang manager na si Jobert, may groups of female fans si Michael na bumiyahe pa sa La Union just to watch his show.

“Lahat sila ay bahagi ng kung anong meron ako ngayon, kaya taus-puso talaga akong nagpapasalamat sa kanila,” sabi ni Michael.

Hindi lingid sa publiko na may anak na si Michael sa pagkabinata named Ezkiel. Pagmamalaking message niya sa anak, “To my son Ezekiel na inspirasyon ko sa bawat minuto, one day ay magsasama rin tayo. Mahal na mahal kita anak ko.”

Sa open-air free show ni Michael sa Sabado, malaki ang pasasalamat niya sa mga kaibigan niya at supporters at mga taong naniniwala sa kanyang talent.

“Gusto ko ring ipaabot ang aking taus-pusong pasasalamat kina Mama Laarni Enriquez at Tito Joseph Estrada for allowing me to hold my free concert sa Rajah Sulayman. Hinding-hindi ko po makakalimutan itong regalo niyo sa akin,” kuwento pa ng birthday celebrator.

Ang show na pinamagatang “Si Erap, Si Michael, at ang mga Manilenyo” ay magaganap sa fountain (Rajah Sulayman Park) sa harap ng Remedios Churh at Aristocrat Restaurant along Roxas Blvd. sa Malate, Manila. Hindi lang ito para sa mga taga-Maynila, kundi para sa lahat at mapanonood mula 4:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi.

Dahil special event ito sa buhay ni Kiel, special din ang guests sa kanyang libreng show tulad nina Vice Ganda, KZ Tandingan, Marion, Garie Concepcion (the girlfriend), Hashtag Nikko Natividad, Kuya Boy Abunda, Kiel Alo, Ezekiel, Kyle Matthew Manalo, Jake Ejercito, Allan K, Boobsie Wonderland, Ate Gay, Atak, Harana, Bugoy Drilon, Jovit Baldevino, Pink Mannequins, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Ady Siwa, Wowowee Dancers, Richard Parojinog, Stefanie Patana, and Mayor Joseph Estrada na kung saan magdu-duet silang dalawa ng celebrator.

Balita ko, baka makaraan sa show sina Martin Nievera at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasguez, na ‘pag nagkataon, bonggang palabas ito.

Si Ivan Lee Espino ang musical director ng show at back-up vocals naman for Michael sina Marnie Jereza and Sam Gaddi. Hosts sina DJ Chacha (ang malanding DJ ng MOR) at Rommel Chika.

Kitakitz tayo roon this Saturday.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING