Sister ni Maritoni Fernandez, biktima ng extra-judicial killing?

ADVERTISING

 alt=

Maritoni Fernandez
Maritoni Fernandez
Ang bangkay ng biktimang si Ma. Aurora Moynihan sa crime scene (courtesy of Twitter: manila_bulletin)
Ang bangkay ng biktimang si Ma. Aurora Moynihan sa crime scene (courtesy of Twitter: manila_bulletin)

Patay sa pamamaril ang kapatid na babae ng aktres na si Maritoni Fernandez, Linggo (September 11) ng madaling-araw.

ADVERTISING

Ayon sa ulat, natagpuan ang katawan ni Ma. Aurora Moynihan, British-Filipino, na may tama ng bala sa dibdib, bandang ala-1:55 ng madaling-araw sa kahabaan ng Temple Drive malapit sa Giraffe Street sa Barangay Ugong Norte sa Quezon City.

Natagpuan sa wala nang buhay na katawan ng biktima ang nakapatong karton na may nakasulat na “Drug pusher ng mga celebrities, kasunod na kayo!” Nakakuha rin sa crime scene ng limang bala ng caliber .40 at apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon pa sa ulat, sinabi ng mga saksi na dinala si Moynihan sa lugar ng mga hindi kilalang salarin sakay ng isang silver Toyota Fortuner, pagkatapos ay nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril. Iniwan ng mga suspek ang bangkay sa lugra saka sumibat sa direksiyon ng White Plains.

ADVERTISING

Sa isang press conference, sinabi ni QCPD director Chief Superintendent Guillermo Eleazar na inaalam na ng mga imbestigador kung may kinalaman sa droga ang pagkamatay ng biktima. Nai-turn over na rin umano ang cellphone ni Moynihan sa Philippine National Police’s Anti-Cybercrime Group, kung saan maaari umanong makakuha ng lead ang awtoridad.

Sinabi rin ng opisyal na naghahanap pa rin sila ng mga saksi at tinitignan na rin ang CCTV footage sa lugar kung saan pinatay ang biktima.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamilya ng biktima, pero sinabi ni Eleazar na siniguro ng pamilya na makikipagtulungan sila sa pulisya.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING