Chavit Singson, aligaga sa 2017 Miss Universe pageant

ADVERTISING

Chavit Singson, aligaga sa 2017 Miss Universe pageant

Chavit Singson
Chavit Singson

Aligaga si Governor Chavit Singson dahil napakalaki ng latest project niya, ang 2017 Miss Universe na 80% nang gagawin dito sa bansa next year.

ADVERTISING

“All out support ako sa Miss Universe. Noong before the election, marami nang ino-offer ‘yan sa iba’t ibang company, pero walang tumatanggap dahil 12 million dollars ang gastos niyan. Nu’ng ako ang kinausap, nakita ko na maganda ito para sa tourism natin. Kasi ang tourism, ang epekto nito, ang domino effect, kapag maraming turista, maraming gagastusin, maraming negosyo ‘yan sa buong Pilipinas. So, magandang support ito kay President Rodrigo Duterte. Sabi niya, okay pero walang gastos diyan ang gobyerno. Kaya naghahanap ako ng sponsor,” chika ni Gov. Chavit Singson sa presscon na ipinatawag niya sa mansion niya sa Corinthian Garden.

Actually, he’s back into movie and TV production. Nasimulan na ang travel/charity show niyang Happy Life.

“Maghahanap ako ng donor at kung walang donor, ‘yung Happy Life, may foundation ‘yon at ‘yun ang magbibigay. In short, puro pagtulong ang Happy Life. Parang ganoon, charity show, travel show, lahat. Kaya nga happy life, eh,” say niya.

ADVERTISING

Ang isa pang laudable kay Gov. Chavit ay ang plano nitong ipamigay ang kanyang wealth ‘di lang sa kanyang family kundi sa nangangailangan.

“Pa-retire na tayo. Mula nang bata ako, negosyante na ako. Kumita na rin ako at gusto kong ipamigay lahat dahil kapag namatay ako ay hindi ko madadala, eh. Ang show na ‘yon is to encourage others to do the same, ipamigay ‘yung pera kasi money is not yours until you spend it. Ipamimigay ko lahat. Bibigyan ko rin ang mga anak ko, pero ipamimigay ko lahat dahil kapag namatay ako ay hindi ko madadala ‘yon. Pero reward system, hindi ‘yung donor,” dagdag niya.

Bubuhayin din muli ni Gov. Chavit ang movie outfit ng pamilya niya, ang Northern Star Productions. Magiging active siya sa pagpoprodyus ng movies.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING