Viral Star Aura, natupad ang pangarap na makasama si Vice Ganda

ADVERTISING

Viral Star Aura, natupad ang pangarap na makasama si Vice Ganda

Viral Star Aura
Viral Star Aura

Natupad na ang dream ni kay Mac Mac ng “Ang Probinsiyano” na ma-meet si Vice Ganda sa “Gandang Gabi Vice”. Ilang beses na raw kasing naudlot ang pagkikita  nila.

Nang tanungin namin si Mac Mac kung ano ang gagawin niya kapag nag-meet sila ni Vice Ganda, ta-tumbling daw siya. Ewan kung ginawa nga niya ‘yon nang magkita sila sa GGV recently.

Anyway, we asked Mac Mac if there’s competition between him and Onyok na sikat na sikat na rin sa “Ang Probinsiyano”.

“Hindi (ko siya karibal). Ano lang, ang turing ko sa kanya ay kapatid, kasi parehas lang kami. Walang kumpetisyon, saka ayaw ko rin ng ganoon kasi pareho kaming ibinibigay ang best namin,” say niya.

ADVERTISING

So, sino sa kanila ni Onyok ang mas magaling umarte?

Agad-agad ang sagot ni Mac Mac, “Parehas lang, kasi merong kakayahan si Onyok na hindi ko kaya. Meron akong kakayahan na hindi kaya ni Onyok.”

Like what?

“Ang um-aura,” walang kagatul-gatol na say ni Mac Mac.

Speaking of “Ang Probinsiyano”, parang ingingudngud pala nito ang pilot episode ng “Encantadia”. It got 42.4% against Encantadia’s 21.0%. Nakakaloka, ha? Nangalahati lang ang rating ng pilot episode ng “Encantadia”.

It wasn’t surprising dahil last Monday’s episode was intense nang pinatay ang character ni Jaime Fabregas. Makapigil-hininga ang mga eksena. It was as if it was culled from a movie.

One thing more, hindi raw impressive ang pilot episode ng “Encantadia” kaya siguro talunan ito sa

rating.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING