Kristine Hermosa, lumabas na ingrata sa Dos

ADVERTISING

Kristine Hermosa, lumabas na ingrata sa Dos

Kristine Hermosa
Kristine Hermosa

Lumabas na ingrata si Kristine Hermosa matapos ang kanyang aria na “madaming offer yung ABS sa akin dati pero parang hindi ko nararamdaman masyado, e.”

Parang ang dating ay walang magandang offer kay Kristine Hermosa ang Dos na hindi naman kapani-paniwala. Magaganda halos lahat ng soap opera ng Dos, talagang pinag-isipan kaya mahirap tanggapin ang sinabi niya.

Mas maiintindihan pa siguro siya ng fans kung inamin niya na si Oyo Sotto ang nag-reject ng mga projects niya sa Dos, ‘no!

“Dont burn bridges ika nga. Dahil sooner or later baka di ka na tanggapin sa network na nag bigay sayo ng pangalan sa showbiz.”

ADVERTISING

“Ang tanong : malaki ba ang maitutulong ni KH sa show na yan? Hahaha.”

“Mayroon naman talaga dati diba kaso ayaw ni oyo, insecure kasi… Yong totoo si oyo ang nag kocontrol kay kristine, yon tuloy napag iwanan.”

“Ok lng..sanay nmn n dos nang walang kristine hermosa..so walang maxado epekto kung jan mo gus2.”

“jan ka nlng tin ..mrmi n kc artista s abs mas mgagaling pa.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING