Enchong Dee, aminadong nawalan ng pokus sa trabaho

ADVERTISING

Enchong Dee, aminadong nawalan ng pokus sa trabaho

Enchong Dee
Enchong Dee

Enchong is celebrating his 10th year sa showbiz ngayong 2016 kaya nag-decide daw siya ulit tumanggap ng trabaho. Bida ang aktor ngayon kasama si Kiray Celis sa “I Love You To Death” ng Regal Films na showing sa July 6.

“With or without break-up (sa girlfriend), parang I really need to work simply because it’s my 10th year. Sabi ko nga, it’s my 10th film for my 10th year. So sabi ko, I really need to go back to my strength and where the people embraced me before which is movie, TV, that’s why I’m doing all of it.”

Ayaw namang isisi sa nakaraang relasyon ni Enchong Dee kung bakit for a while ay hindi siya nakapag-focus sa work niya?

“Siguro naiba lang ‘yung focus. Pero ayoko kasing isisi sa relasyon ‘yung nangyari sa akin. Kumbaga, ako rin mismo ang may kasalanan do’n, eh, ‘di ba? Naging choosy rin ako sa mga gagawin kong proyekto,” sey pa niya.

ADVERTISING

Hindi naman diretsang inamin sa amin ni Enchong ang tunay na dahilan ng break-up nila ng kasintahan.

“Kailangan ko lang siguro talagang i-divert lahat ng atensyon ko, ‘yung time ko to my work. Ayoko kasing sabihin na na-distract ako ng lovelife, eh. But I guess I was focused on a lot of things – travel, relationship, a little bit of work, tapos nag-host pa ako, nag-album ako – so parang ang dami kong ginawa na hindi ko na alam kung saan ako… kung ano ‘yung gusto ko talaga. But now, I’m okey, trabaho na ulit tayo,” sey ng aktor.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING