Sid Lucero, sinadyang ‘di ipaalam na nasunugan siya dahil sa sobrang hiya

ADVERTISING

Sid Lucero, sinadyang 'di ipaalam na nasunugan siya dahil sa sobrang hiya

Sid Lucero, sinadyang 'di ipaalam na nasunugan siya dahil sa sobrang hiyaSinadya ni Sid Lucero na hindi ipaalam sa showbiz na nasunugan siya bago mag-Pasko last year, kaya nagulat siya nang tanungin namin during the presscon of “The Millionaire’s Wife” kung kumusta na siya ngayon.

“How did you know that? Wala akong pinagsasabihan no’n kasi nakahihiya,” reaksyon niya sa amin.

Ayon sa aktor, ang naiwang ligther na may sindi sa kanyang couch ang naging dahilan ng sunog.

“When we look through the remains of the couch, we found the lighter that I used. Sa tingin ko, hindi naisara ‘yung lighter,” kuwento ng aktor.

ADVERTISING

“Nasa 2nd floor kami. I actually ran down the stair but naked. Tapos sigaw ako ng ‘Sunog!’ Half-naked ako kasi maliligo pa lang ako no’n, eh,” dagdag pa niya.

Sobrang natakot din daw siya sa nangyari.

“Nakatatakot siya. Pagbukas ko ng CR ko, sobrang dilim ng second floor akala ko nga brownout. Siyempre, nu’ng mag-register sa akin na fire siya, akala ko na I can hold my breath, ganyan-ganyan, pero hindi talaga.

“As in your heart is beating so fast and then you hold your breath na… I know I can hold my breath for a minute, but because my heart is beating so fast ‘yung inhale mo sobrang bitin.

“I got scared. As in inisip ko na… mamamatay ka talaga. My gosh, ‘yung smoke alone will kill you,”  kuwento pa niya.

Kasama ni Sid Lucero sa “The Millionaire’s Wife” sina Robert Arevalo, Ina Raymundo, Andrea Torres, Mike Tan, at marami pang iba.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING